—•••
Mahal kita ngunit mahal mo'y iba.
Ako'y iyong pinaasa at iniwang may luha.
Kuntento na sa pagmasid sa iyo sa malayo.
Ngunit ang iyong iniwang bakas ay patuloy ko pading dinadama.Masakit mang isipin na ang dati nating mag-kahawak kamay.
Ay ngayo'y hawak na ng iba.
Matatawag ba kitang akin?
Kung sa simula palang ay ako lang ang umiibig sa atin.Mga katagang nais kong tanongin sa iyo,
Kumusta kana sinta ko?
Ngunit di ko magawang sambitin ito.
Kasi ang kasagutan ay makikita sa mata mo.Masakit mang ika'y bitawan ngunit kailangan.
Dahil simulang palang ay di ka naging akin.
Kaligayahan na iyong nadama sa kanya,
Ay ang bagay na di ko matumbasan kailan man sinta.Ako'y hihiling sa huling pagkakataon.
Sana'y iyong ingatan ang iyong sarili sinta.
Pag ikaw ay kanyang paiiyakin,
Wag kang mag atubiling lumapit ulit sakin.Kung sana lang iyong nakita.
Ang pagmamahal sa iyo at pagsusumamo sinta.
Kung sana lang sakin ka umibig,
Mga sana, na alam ko'y may hangganan din.
—•••
BINABASA MO ANG
Spoken Word Poetry:Completed
PuisiIsagad mo pa! Para aking madama ang kapusukan na iyong dala. "Ang sarap" sambit mo pa. "Malapit na ako" dagdag mo pa. Ngunit ako'y nagising sa bangungot na iyong dala. Dahil sa iyong kapusukan, may nabuong di inaasahan. Pagkatapos ng gabing iy...