Katawan

59 3 0
                                    

May napakagandang dalaga akong nakita.
Magdalena, napakagandang pangalan diba?
May maamong mukha,
At kay tamis ng ngiti niya.

Ngunit aking napapansin ang kaibahan niya sa iba.
Siya'y gising sa gabi, at tulog sa umaga.
Di siya nag aaral at walang paki sa buhay.
Katawan niya'y ginawang panghanap buhay.

Oh binibini, ano ang nangyari?
Bakit katawan mo'y bininta?
Keysa panatilihin ang malinis na puri.
Binibini, gumising ka!

Nakita kita sa entablado,
Kumekembot at sumasayaw na parang tuso.
Ang maamo mong mukha ay nawala na.
Dahil ika'y naging sakim sa pera.

Binibini, gumising ka sa kahibangan.
Pagkat katawan mo'y alagaan.
Wag ka magpakabulag sa dala ng pera,
Ako'y naghahangad sa iyong pagbabago sinta.

Spoken Word Poetry:CompletedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon