[WB: Raph8]

675 22 0
                                    

[WB: Raph8]

Lucy’s POV

PAPAGABI na nang makarating ako sa condo. Dumaan pa kasi ako sa mall para bumili ng ilang gamit na kailangan ko sa pag-e-empake. Wala rin doon si Raph pero nakita ko iyong note na iniwan niya sa mesa na nagsasabing hindi nalimas ag mga pagkain sa refrigerator kaya magluto na lang daw ako at baka bukas pa daw siya makabalik kasi may tutulungan lang daw siyang manligaw. Napailing na lang ako sa sarili nang mabasa iyon. Hindi ko na rin naman na siguro siya kakailanganin pa. Alam ko namang puro sakit lang ng ulo ang idinulot ko sa kanya. Ang layo din ng pagiging bodyguard sa trabaho niya bilang isang private detective. Maging ako nga’y nagtaka sa sarili ko kung bakit imbes na sa isang security agency ay isang investigation agency ang pinasok ko.

Isinilid ko sa maletang binili ko ang ilang gamit ni Alex. Hindi naman siguro siya masyadong magtatagal doon. Pati mga libro niya ay sinama ko na rin, balak kong ipa-home school na lang muna si Alex habang hindi ko pa siya maasikaso.

Ipinapasok ko na ang isang teddy bear sa isang paper bag nang makitang may pulang tuldok na pagalaw-galaw sa itaas ng paper bag. “Sh1t,” napamura ako pati sa isipan ko. Lumingon ako at nasilaw ako nang masakto sa mata ko ang pulang tuldok na iyon. Laser. Agad akong tumakbo palabas ng kwarto ng Alex at doon ay nakarinig na ako ng putok, hindi lang isa kundi maraming beses. Ilan pa doon ay tumagos sa pades at hanggang sa salas ay naapektuhan na rin.

Dinig ko na ang komosyong nangyayari sa labas.

Kung hindi ako nagkakamali ay galing ang bumabaril sa akin sa kabilang building. Nakakapagtaka lang at dalawang parte ng condo ko ang pinagmumulan ng baril.

Nakarinig na rin ako ng sirena ng pulis, medyo nakahinga ako ng maluwag dahil doon. Nagtago ako sa gilid ng sofa. Nagtakip ako ng tenga nang mawala ang ilaw, ang dilim na ng paligid at hindi ko alam ung saan gagapang. Kusnag bumubuka ang labi ko para sumigaw.

“Ang cellphone ko,” naiiyak na saad ko saka tinatagan ang loob na gumapang patungo naman sa kwarto ko. Nandoon ang bag ko. Wala akong ibang maisip na hingan ng tulong kundi si Raph. Ilang mga gamit pa ang mga nabangga ko bago ko tuluyang nakapa ang pintuan ng kwarto ko. Tumahimik na rin, wala ng putok ng baril pero ang mga sigawan ng mga tao sa itaas at ibaba ng building na kinaroroonan ko ay patuloy pa rin. Di-nial ko ang number ni Raph. Nanginginig ako na hindi maipaliwanag habang hinihintay na sagutin niya iyon.

“Hey,” sagot niya sa kabilang linya. Dinig na dinig sa background ang malamyos na tunog ng naggi-gitara. Mukhang nagsisimula na ang ligawan.

“R-Raph...” basag ang tinig ko sa pagsagot dahil sa kakasigaw kanina.

“Lucy?”

“Please come over... p-please,” and I broke down. Ngayon ko lang naramdaman ang takot, ngayon lang ako nakaramdam ng ganun. Lalo na’t mag-isa ako, pakiramdam ko ay wala na akong kakampi. Hindi ako ligtas.

“Sh1t, what happened?” tumaas ng kaunti ang tono niya.

“Please...” hindi ako makapagpaliwanag sa cellphone. Pakiramdam ko ay may mga matang nakasunod pa rin sa akin. Nanginginig pa rin ako, paano kung may biglang pumasok sa condo lalo na’t nasira na yata ang pinto sa ilang ulit na pagbaril? Hindi ko kayang protektahan ang sarili ko. Wala pa ring mga pulis na umaakyat sa condo ko, dapat sa mga oras na ito ay nandito na sila. Ilang minuto lang ang lumipas nang marinig ko ng may kumakatok sa pinto. “S-sino ‘yan?”

“Cute ang Monster’s Incorporated at pati na rin ang Finding Nemo, si Raph ‘to,” medyo seryoso ang tono niya. Siya na nga iyon. Kahit kailan ay pinagtatawanan niya ang passcode ko. Pero seryoso ako nang gawin ko iyon.

What Boys Think: RaphaelTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon