[WB: Raph6]

742 36 0
                                    

[WB: Raph6]

Raph’s POV

MAG-li-limang araw na rin mula nang dumating si Beth at kahapon ko pa lang napapakita kay Xhin ang mga papeles niya. Dahil pagod daw siya, bukas o mamaya na lang niya sasabihin ang resulta ng pag-aaral niya. Ako na lang sana ang gagawa nun kaya lang ay hindi ako makapuslit sa opisina para pag-aralan iyon, hindi ko pwedeng iwanan si Lucy at Alex.

“Raph,” tawag sa akin ni Lucy, nasa loob siya ng kwarto at nag-aayos. Ngayon pa lang siya pupunta sa boutique makalipas ang ilang araw. Pero kahapon ay may isang matandang lalake na nagpunta sa condo, iyon daw si Attorney Maniego, makapal ang salamin at halatang kagalang-galang naman. Ayoko lang ng paraan niya ng pagtingin sa akin, pababa niya ako tinitignan. “Pakibuhat na lang yang mga yan,” tinuro niya ang dalawang maliliit na kahon sa may lapag.

Nitong mga nakalipas na araw ay bumait na rin siya sa akin kahit na minsan ay hindi pa rin niya maiwasang hindi magtaray. Lalo na kay Beth na madalas pagbuntunan ni Lucy kapag nababagot siya, kung anu-ano ang pinapagawa niya sa babae.

“Ang ganda ni Ma’am, oh,” sabi ni Beth habang nagwawalis sa loob ng kwarto ni Lucy.

“Alam ko at ikaw, hindi,” hindi tumitingin na pakli ni Lucy kay Beth. Inilagay na niya ang mga alahas niya sa ilalim ng mga damit niya. “Let’s go.” Wala si Alex ngayon dahil nasa school. Wala naman ng natatanggap pang threats sina Lucy. Sana nga magtuluy-tuloy na dahil sa susunod na araw ay may plano ang kaibigan kong si Eph na tuluyan na nga yatang na-in love.

Pinagbuksan ko pa siya ng pinto ng kotse. Bukod sa pagiging bodyguard ay naging driver na rin ako ni Lucy. Minsan din taga-buhat ng mga kung anu-anong gamit niya.

“Good morning, ma’am,” nakangiting bati nang nasa counter ng boutique ni Lucy. Maliit lang ang pwesto niyang iyon sa mall na iyon, hindi ko nga maintindihan kung bakit siya nagtitiis sa ganung kaliit na puwesto gayong ang laki-laki na ng industriyang pinagre-reyna’han niya.

“Shut up and give me the list,” nakataas kilay na pumasok si Lucy sa opisina niya.

“Pasensya na, niregla ‘yan kaninang umaga, eh,” bulong ko sa nasa counter, impit na napatawa naman siya dahil sa sinabi ko.

“Anong sinabi mo sa kanya?”

“Ha?”

“I saw you whispered to her, Raph,” matigas na sabi niya.

Lagot. “Wala akong binulong---“

“Ma’am, ito na po ang listahan,” pumasok ang babaeng nasa counter kanina.

“Josephine, right?” kinuha ni Lucy ang iniabot na files nung babae.

“Opo, ma’am, salamat naman po at alam niyo pangalan ko,” tuwang-tuwang sabi ng babae kay Lucy. Kulang na lang yata ay kuminang ang mga mata niya sa sobrang tuwa.

“You’re fired.”

“Po?” animo’y isang batang nasabihan ng isang sikreto ang naging reaksyon ng babaeng nagngangalang ‘Josephine.’

“Bingi ka ba? Ang sabi ko, you’re fired, in Tagalog, tanggal ka na, alis,” pinandilatan siya ni Lucy.

Hindi naman yata tama yun, “Lucy---“

“Not now, Raph, I’m busy,” pigil niya sa sasabihin ko sana. Napasunod na lang ang tingin ko sa babaeng naiiyak na tumakbo papalabas. Ang lupit pala talaga ni Lucy. Ngayon, pakiramdam ko, ako pa ang may kasalanan kung bakit natanggal sa trabaho si Josephine. Kinuha ni Lucy ang telepono sa table niya at may kinausap. Base sa narinig ko ay may sinabihan siyang pumwesto na muna sa cashier dahil nagtanggal na naman siya ng empleyado. Napailing na lang ako sa pag-uugali niya. Hindi na talaga ako nagtataka kung bakit ang daming nagtatangka sa buhay niya.

Naupo na lang ako sa sofa na nasa gilid. Wala naman ng kwenta kahit pa magreklamo ako sa kanya. Hindi lang din naman niya papansinin, matigas nga ang ulo niya, eh. Baka nga talagang may regla siya o baka naman ay angme-menopause na.

Mag-da-dalawang oras na ang nakakalipas bago nagkaroon muli ng ingay sa loob ng opisina. Doon ko lang napagtantong malapit na pala akong makatulog. Hinimas-himas ko ang batok ko. “Hindi mo ba sasagutin yang nagwawalang telepono mo?” tanong ko sa kanya. Wala yata siyang balak na pansinin iyon kahit na nakabibingi na ang tunog niyon.

“Tinatamad na ako, ikaw na,” hindi tumitinging pakli niya sa akin.

Tumayo na lang ako at sinagot iyon. “Lucy Fierre’s Boutiqe, sino ‘to?” sabi ko sa kabilang linya. Napatingin sa akin si Lucy, naghihintay ng update tungkol sa kausap ko.

“Pwede po bang makausap si Miss Lucy?” ani kabilang linya, “yung guard po sa condo ito.”

Tinakpan ko muna ang mouth piece bago nagsalita kay Lucy, “guard daw sa condo,” tinanggal ko na ang kamay ko, “anong kailangan niyo sa kanya? May ginagawa kasi siya.”

“Kasi, sir, yung katulong po niya, naglabas ng dalawang malalaking maleta saka may buhat-buhat na isang jewelry box. Ang sabi daw po ni Miss lucy, pinapadala daw po sa office. Sinabi po naming tatawagan na muna namin si Miss Lucy para i-refer pero bigla siyang tumakbo, may kasama na po siyang naghihintay sa labas kanina. Hindi na po namin nahabol,” mahabang eksplenasyon ng guard.

Itinaas ni Lucy ang isang kilay niya, naghihintay ng sasabihin ko. “Sige, sasabihin ko sa k-kanya,” pagkababa ko ng telepono ay napalunok muna ako. Alam kong bad mood si Lucy, paano pa kaya kapag sabihin ko na sa kanya ang nangyari sa condo niya? Wala pa namang madaling labasan sa office niya kasi de-aircon.

Sabi ko na nga rin ba at walang gagawing mabuti ang katulong na iyon, sa bilis pa lang niyang dumating, kahina-hinala na talaga.

“Ano na, magsasalita ka na ba o lulunukin mo na tutuyuin mo na muna ang lalamunan mo? Kanina ka pa lunok ng lunok, ah? Busy ako, okay?” nawawalan ng pasensyang saad niya sa akin.

“Ano kasi...”

“What? Sheez! Stupid!”

Pinaikot ko muna ang mga mata ko, sabi ko na nga ba, hindi pa nasasabi ang tunay na nangyari ay magmumura na naman siya. Sa kasamaang palad, diretsahan pa siya kung magsabi. Tagus-tagusan. “Mangako ka na munang hindi magagalit.”

“Galit na ako, Raph.”

“Sabi ko nga,” napabilang ako hanggang sampu. “Nanakawan ka.”

At doon ko narinig ang pinakamalakas na tili sa tanang buhay ko.

What Boys Think: RaphaelTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon