[WB: Raph12]

577 17 1
                                    

[WB: Raph12]

 

Lucy’s POV

 

Tumunog ang cellphone ko habang yakap-yakap ako ni Raph. Hindi ko alam pero pakiramdam ko ay ligtas ako habang nakakulong sa mga braso niya. Kahit papaano’y napanatag ang kalooban ko. Kahit ayoko pang humiwalay sa kanya ay pinilit ko ang sarili ko.

Lumapit ako sa kinaroroonan ng cellphone ko. “Si Attorney,” mahinang sabi ko sa kanya pagkatapos makita nag nakarehistrong pangalan doon.

Tumango siya sa akin, “sagutin mo.”

 

Huminga muna ako ng malalim bago sinunod ang sinabi niya, “hello?”

 

“Malamang sa mga oras na ito, alam mo na. Pakialamero kas iyang bodyguard mong isa palang private detective. Kung magaling lang sana siyang magtago ng katauhan, baka walang mapapahamak ngayon,” nanibago ako sa kausap ko.

Dati-rati’y ang lambing-lambing niya habang nakikipag-usap sa akin, na para bang tunay niya akong anak, na para bang isa siyang tunay na kapamilya. I’ve trusted him with all my life. Isinumpa ko na ang step brother ko’t lahat sa pag-aakalang sila ang may pakana ng lahat ng trahedyang nangyayari sa buhay namin ni Alex ngayon.

“Please, not Alex,” iyon lang ang namutawi sa bibig ko. Pakiramdam ko’y anumang oras ay mabibitawan ko ang cellphone ko sa sobrang tensyong nadarama.

“Hindi naman siya masasaktan kung papayag ka sa gusto kong mangyari,” tumawa pa siya.

“Okay,” hinintay ko ang susunod niyang sasabihin.

“Mamayang gabi, pumunta ka dito, dapat wala kang kasama. Kahit iyang bodyguard mo, dapat hindi ko makita kahit na anino lang niya. Ikaw ang mamili, buhay ni Alex o pupunta ka?” ibinigay na niya ang buong address at pilit kong kinabisa iyon. Pati oras ay sinabi na rin niya.

 

“Okay... hello?” namatay na agad ang linya. Ilang ulit pa akong nag-hello pero busy tone na lang ang narinig ko.

“Anong sinabi?” lumapit sa akin si Raph. Naghihintay ng sasabihin ko.

“W-wala...” umiwas ako ng tingin. Dapat hindi ko sabihin sa kanya ang napagkasunduan namin ni Attorney, buhay ni Alex ang nakasalalay dito. Mas mabuti pang ako na lang ang mamatay. Wag lang si Alex... at wag lang si Raph. Wag lang silang dalawa.

Pumasok na ako sa kwarto at ni-lock ang pinto. Doon ako napadausdos at nakadama ng hindi maipaliwanag na pagod, takot, at pag-aalala. Kung noon ay si Alex lang ang inaalala ko, ngayon ay pati si Raph ay nadamay na. Kasalanan ko ang lahat ng ito, kung hindi ko lang sana siya isinali sa gulo ng buhay ko, malamang na nananahimik pa rin siya hanggang ngayon... pati ang puso ko, sana hindi rin kinakabahan ng ganito.

Isinubsob ko ang ulo ko sa pagitan ng mga tuhod ko at doon ibinuhos lahat ng emosyong hindi kayang ipaliwanag ng utak ko. Kusang lumalabas ang luha sa mga mata ko. Halu-halo ang umiikot sa utak ko.

Kung pupunta ako sa sinabing lugar ni Attorney, hindi siguradong makakalabas pa ako ng buhay pero kapag naman hindi ako pumunta, baka hindi ko na pa makita pa si Alex. Paano na lang ang ipinangako ko sa puntod ni Kuya Ruel at ng hipag ko kung hindi ko matutupad iyon? Kung sasabihin ko naman kay Raph ang napag-usapan namin ni Attorney, baka siya naman ay mapahamak pa. Tama ng ako na lang ang sumuong sa problemang ito, ayoko ng mandamay pa ng ibang tao.

Kinuha ko ang cellphone ko at idinial ang number ni Greg, ang kuya kong si Greg. Matagal kong tinikis ang sarili kong huwag siyang tawaging kuya dahil na rin sa nakatatak na talaga sa isipan kong sila ang may plano ng lahat ng ito. Iyon na rin ang sinabi ni Attorney, dapat daw ay huwag akong maging masyadong attach sa mag-asawa dahil baka iurong ko lang ang ipinaglalaban ko. Nilason ni Attorney ang utak ko.

“Hello? Hon, may tawag ka, oh,” boses iyon ni Fel. Kahit pala sa telepono, maarte pa rin ang boses niya. “Hindi naka-save, sino ba ‘to?”

 

“Hello?” garalgal pa ang tinig ko. “Si Lucy ‘to,” agad kong pakilala.

“Lucy? Hon, si Lucy daw!” halata sa background na nataranta sila.

“Hello?” boses na ni Kuya Greg ang sumunod na narinig ko. “Lucy, ikaw ba talaga iyan?”

 

“Ako nga,” hindi ko pa nasasabi ang talagang sadya ko ay bumuhos na agad ang luha ko.

“Lucy, umiiyak ka ba? Nasaan ka?” nagsalitan sila sa pagtatanong ni Fel. Halata sa boses nila ang pag-aalala. Noon pa man ay ganoon na ang tono nila kapag nakikipag-usap sa akin pero bakit ngayon ko lang nahalata iyon?

“K-Kuya... Ate...” napangiti ako kahit na bumubuhos na ang luha ko, “I’m sorry for everything...”

 

“Lucy? Nasaan ka? Lucy?”

 

Hindi ko na sinagot pa ang mga tanong nila at ibinaba ko na ang cellphone ko. Kahit papaano ay gumaan ang pakiramdam ko. Ano man ang mangyari ngayon, malinis na ang konsensya ko dahil nakahingi na ako ng tawad sa mga taong naargabyado ko ng wala man lang kadahi-dahilan.

Ilang oras din akong ang-isip ng dapat kong gawin, kung paano ako makakatakas kay Raph, kung paano ako makakaalis doon.

Napatingin ako sa bintana ng kwarto, sumilip ako doon. May kataasan iyon kung tatalunin lang pero kaya ko naman sigurong bumaba doon kapag kakapit ako sa railings at ipapatong ang mga paa ko sa mga nakaumbok na semento na disenyo ng bahay. Kinuha ko ang maliit na bag sa cabinet at doon inilagay ang pitaka’t cellphone ko. Hindi ko naman siguro kakailanganin pang magdala ng kung anu-ano pang gamit.

Itinuloy ko ang balak ko. Iniwasan kong makagawa ng ingay. Baka nasa salas lang si Raph at nag-iisip rin ng gagawin. Nakababa naman ako ng maayos, agad akong tumakbo patungo sa likod ng bahay, may short cut doon papuntang high way. Doon na lang siguro ako sasakay papunta sa condo ko para makuha ang kotse ko.

“Guide me, Lord,” patuloy na pagdarasal ko habang tumatakbo papunta sa high way.

What Boys Think: RaphaelTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon