[WB: Raph5]

809 40 0
                                    

[WB: Raph5]

 

Lucy’s POV

 

NAGMULAT ako ng mga mata. Nakatulog ba ako sa opisina? Hindi ko namalayan ‘yun, ah.

Hinintay kong lumiwanag ang paningin ko bago ko napagtantong nasa condo pa rin ako. “Sh1t, si Alex!” napatingin ako sa orasan, lagpas alas-kwatro na ng hapon. Kumukulog na rin ang tiyan ko tanda na hindi pa ako nanananghalian. Pinagsawalang-bahala ko iyon. Alas-tres y media ang uwian nina Alex at hindi ko pa siya nasusundo! Hindi ko na inayos ang buhok ko at tumakbo na agad sa banyo para maghilamos. Pagkatapos ay tumakbo na ako sa salass para lamang makita sina Raph at Alex na naglalaro ng doll house.

“And the princess says: ‘no, please, don’t!’ But the king and queen was eaten by the big bad dragon,” si Alex ang nagsasalita. Kunwari ay umiiyak ang Barbie doll na hawak niya sa kanang kamay habang isang malaking dragon naman ang nasa kaliwa. “The princess lived lonely with her prince brother. But not just that, they also have a step brother but he’s not a prince.” Ngayon ko lang ulit siya nakitang masayang naglalaro lalo pa’t may kalaro siya. “The step brother is bad. He have a wife, she is bad, too.”

 

“Wait, Alex,” pigil ni Raph, “where’d you get all of that?” Pati ako ay napatahimik sa kwento ni Alex. Parang may ideya na ako kung sino ang prinsesang tinutukoy niya.

 

“’Yun ang kwento ng dating nanny ko, sabi niya kinain ng dragon ang king and queen kaya naiwan ang magkapatid na prince and princess. Pero yung king daw, may mistress bago pa ikinasal sa totoong queen, kaya nagkaroon ang prince and princess ng step brother. Bad daw ang step brother pati na ang wife niya. Kaya yung princess, naging bad na rin.”

 

Iyon pala ang sinasabi ng mga magagaling na katulong namin sa bahay ko noon? Bad? Ako? Huh!

“Do you know who’s this princess?” tanong ni Raph.

Unti-unting tumango si Alex. “Y-Yes.”

Kumuyom ang mga kamao ko, nasa akin pa ba ang address ng mga dating nanny niya at nang masugod ko nga? Hindi naman yata tamang gawing fairy tale ang buhay ko. To the point na puro kasinungalingan na lang ang sinasabi. Namatay ang mga magulang ko sa isnag plane crash at naiwan kaming dalawa ni kuya Ruel. Mabuti na lang at nasa tamang edad na si Kuya Ruel noon at nakuha agad ang mana niya habang ako ay naghintay pa ng limang taon bago tuluyang mahawakan ang perang sa akin talaga.

Sa kasamaang palad, nung ibasa ni Attorney Maniego ang iniwang kasulatan ng mommy at daddy namin, nalaman namin na may anak pala sa ibang babae si daddy. Kaedad ni kuya Ruel, naghati-hati kami sa properties. Wala namang naging reklamo si Greg doon, maayos naman ang pakikitungo namin sa isa’t-isa hanggang sa unti-unti kaming makatanggap ng mga death threats ni Kuya Ruel. Bata pa kami noon at naturingan ng milyonaryo, si Kuya Ruel lang ang nagpatakbo ng mga naiwan, sa edad na 22 ay natuto na siyang tumayong ama’t ina sa akin. Natuto ako kung paano maging matapang, paano makisalamuha sa mga taong alam kong hindi naman naging totoo kahit minsan sa amin. Wala na kaming kamag-anak na malalapitan, kung meron man, siguradong pera lang ang hahabulin sa amin.

What Boys Think: RaphaelTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon