[WB: Raph14]

580 19 2
                                    

[WB: Raph14]

Lucy’s POV

Dinala nila ako sa isang kwarto. Nakita ko si Alex sa gilid na nakamaluktot ay halatang umiiyak.

“Alex, shh, shh,” pagpapatahan ko sa kanya.

“Tita, I’m scared, am I going to die? Are we going to die?” mahinang tanong niya sa akin, sapat lang para marinig ko.

“You’re not going to die, silly,” ang unang tanong lang niya ang sinagot ko. Sisiguraduhin kong hindi siya masasaktan ng kung sinuman. Walang makakapanakit kay Alex. “Don’t be scared, you need to be brave,” inayos ko ang buhok niya saka tumayo at linapitan ang kaisa-isang bintana doon. Sinubukan kong buksan pero naka-lock iyon. Umalis si Attorney kanina pa, may importante lang daw siyang pupuntahan at babalikan kami mamaya. Kukunin daw niya ang mga papeles na kailangan kong pirmahan bago niya ako patayin. Tumingin ako sa baba, may dalawang lalaking naglalakad-lakad doon. Pinag-aralan kong mabuti ang mga galaw nila, bawat sampung minuto ay bumabalik sila sa harap pagkatapos ay mawawala din dahil mag-iikot pa sila. Kaya naman sigurong kumapit ni Alex sa gilid ng bintana at itapak ang paa niya sa mga nakausling disenyo ng pader. Makakaya naman siguro niyang tumalon dahil hindi naman kataasan iyon.

Pinakiramdaman ko ang salamin ng bintana, sa tingin ko ay mabilis lang iyong basagin. May nakita akong upuang gawa sa kahoy sa loob ng kwarto, maaari kong gamitin iyon para pambasag sa bintana pero sigurado akong gagawa iyon ng ingay. Ilang minuto lang at may mga lalaki ng susugod sa kwarto para tignan kung ano ang nangyari. Pero kung mabilis ang galaw namin, siguradong makakalabas kami ng bahay.

Lumapit ako kay Alex, “hey, listen, okay?” tumangu-tango siya sa akin, “wipe your tears, breathe In deeply, tita has a plan, dapat magawa natin ito, okay? Be brave, ‘wag matakot, matapang ang mga Garvida,” yinugyog ko siya ng mahina para mas lalo niyang maintindihan ang sinasabi ko. “I will break that glass,” tinuro ko ang bintana, “goons will come, for sure, but hindi nila tayo mahuhuli kung bibilisan mo lang. You go down first, okay? You can do it. Susunod si Tita and we’ll get the hell out of here.”

“Yes,” pinunasan niya ang mga mata’t ilong niya.

Sinira ko ang laylayan ng damit ko at ibinalot sa mga paa ng upuan, makakatulong iyon para bawasan ang ingay na lilikhain ng pambabasag ko sa salamin. Huminga muna ako ng malalim bago ibinayo ang upuan sa salamin, nabasag agad iyon. Nasugatan pa ako sa ilang bubog na tumama sa katawan ko. “Faster, Alex!” pagmamadali ko, narinig kong nagkakomosyon na sa ibaba ng bahay, binuhat ko si Alex at inilabas sa basag na bintana. Nakababa naman siya agad, napatingin ako sa door knob ng kwarto at gumagalaw-galaw na iyon. Binilisan kong lumabas at agad na tumalon.

“Hoy!”

Napatingala ako at nakita ko ang dalawang lalaking nasa itaas. “Takbo, Alex!” pinauna ko si Alex bago ako sumunod. Ilang putok pa ng baril ang narinig ko at malapit-lapit din iyon sa mga dinaanan namin. “Sa kakahuyan!” sumunod naman si Alex sa sinabi ko.

Alam kong may humahabol na sa amin ngayon. Dumarami ng dumarami ang putok ng baril na sumusunod sa amin. Lumalabo na rin ang mga mata ko dulot ng kusang paglabas ng luha ko.

“Tumigil kayo!” paulit-ulit na sigaw nila.

“Ah!” sa paglingon ko ay bigla akong may naramdamang kirot sa balikat ko, natumba pa ako nang dahil doon. Tinamaan ako. Nakita kong tumigil si Alex at balak pa yatang balikan ako, “no, run! Susunod ako!” pinilit kong bumangon.

What Boys Think: RaphaelTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon