[WB: Raph13]

628 17 0
                                    

[WB: Raph13]

 

Lucy’s POV

 

Halos kalahating oras din akong naghintay bago may dumaang sasakyan sa high way. Maghihintay pa sana ako ng bus pero dahil mukhang wala naman ng dadaan pa ay kinapalan ko na ang mukha kong sumenyas na makikisakay sa delivery truck, iyon na lang ang paraan para makaalis ako doon. Kinakabahan nga ako at baka nalaman na ni Raph na wala na ako sa bahay, baka hinahanap na ako nun ngayon.

“Ale,” kinatok ko ang salamin na nasa harapan ko. Sa likuran na lang kasi ang medyo maluwag na pwede kong paglugaran kanina kaya kaysa mamili ay pumayag na lang ako. Lumingon sa akin ang babaeng kasama ng driver, sa tingin ko ay mag-asawa sila, “sa tabi na lang po,” isinenyas kong bababa na ako. Pwede na akong sumakay ng taxi doon papunta sa condo ko para kunin ang kotse ko. Pagkatigil ng delivery truck ay nagpasalamat na ako at iniabot ang dalawandaang pisong papel pero hindi nila iyon tinanggap.

Pinara ko ang isang taxi at nagpahatid sa condo ko. Paulit-ulit lang ang pagdarasal ko. Mag-a-ala-siete na ng gabi. Pagkababa ko sa harap ng gusali ay sa parking lot ako dumiretso. Idi-nial ko ang number ni Attorney Maniego, address lang ang ibinigay niya sa akin pero hindi ko talaga matandaan yung tamang lokasyon. “Papunta na ako,” agad kong sinabi pagkasagot niya.

“Mahusay, Fierre,” halata sa boses niyang natutuwa siya. Agad din niyang ibinaba ang cellphone.

“Sana walang mangyaring masama,” usal ko na naman pero kahit na sarili ko’y hindi mapaniwalang wala ngang mangyayaring masama. Lagpas alas-otso na ng marating ko ang lugar na sinasabi ni Attorney. Labas na iyon ng Metro Manila at wala masyadong mga bahay-bahay sa paligid. Hindi na ako nagtataka na doon ang piniling lugar ni Attorney. Ipinasok ko ang kotse sa isang makipot na daan kung saan may nakapaskil na ‘Private Property.’ Binagtas ko ang daan na iyon, may kahabaan din pala iyon at ni walang ilaw sa paligid. Ilang minuto pa ang lumipas bago ko namataan ang di kalakihang bahay sa gitna ng bukirin. May mangilan-ngilang lalaking naglalakad-lakad doon.

Mabagal lang ang pagpapatakbo ko ng kotse nang may isang lalakeng sumenyas sa akin para tumigil. Sinunod ko naman iyon saka lumapit sa akin yung lalake.

“Lucy Fierre Garvida?” tanong niya sa akin na may ngisi sa mukha.

Tumango ako, “ako nga.”

 

“Baba ka na diyan,” siya pa ang nagbukas ng pintuan saka marahas na hinawakan ako sa braso. Nakita ko na lang na may isa pang lalaki ang sumakay sa kotse ko at di-nrive iyon papasok sa isang madilim na bahagi ng lupain.

Para lang akong manikang hinihila-hila niya papasok sa bahay. Pagdating namin sa sala ay nakita ko si Attorney Maniego na nakaupo doon habang katabi ang naglalarong si Alexxa. “Alex!” halos maluha-luha ako ng makita siyang ligtas, tinangka kong tanggalin ang pagkakahawak ng lalake sa akin, “bitawan mo ako!”

 

“Tita!”

 

What Boys Think: RaphaelTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon