Lakad-takbo ang isang dalaga sa gitna ng napakalakas na ulan. Hindi nito alintana ang malalaking patak ng ulan na dumadampi sa kaniyang balat.
Samantala, ang paghabol ng tunog ng mga yapak ng kabayo ay nagbibigay lalo ng matinding kaba sa kaniyang dibdib.
Hindi magkamayaw ang puso ng dalaga sa lakas ng kabog nito nang makita ang isang lalaking duguan. Mabilis na dinaluhan ng dalaga ang binatang sugatan.
Agad nitong inilabas ang hawak niyang gamit pang medisina na siyang pag-aaralan sana nila ng kaniyang mga estudyanteng nasa ikaapat na baitang. Nagulantang siya nang marinig ang malakas na sigaw ng kapitan.
"Donde esta el ?!" (Nasaan siya?!)
Sabay hampas ng kaniyang latigo sa lupa na siyang nagpakabog ng malakas sa dibdib ng mga kasama. Hindi makaimik ang mga guardia civil sa tanong ng kapitan.Samantala naestatwa si Milagros nang marinig niyang malapit lang pala sa kinalalagyan nila ang kapitang naghahanap sa kaniya. Lalong tumindi ang kabang nararamdaman niya nang umubo si Felipe. Napakagat si Milagros sa kaniyang labi upang pigilan ang kaniyang paghinga. Ngunit ito ay huli na dahil natukoy na ang kaniyang kinaroroonan kasama ang estrangherong binata.
"Arrestar a la mujer!" (Arestuhin ang babae!) Umalingawngaw ang malakas na tinig ng kapitan nang makita nito si Milagros. Hindi naman nagdalawang isip ang mga guardia civil na dakpin ang babae. Hindi na rin nag atubiling lumaban si Milagros.
Sandali muna siyang tumingin kay Felipe na ngayon ay may malay na habang inaalalayan itong maisakay ng mga guardia civil patungo sa isang kalesa. Hindi niya maialis ang kaniyang tingin nang pagmasdan rin siya pabalik ng binata.
Tila huminto ang lahat ng mga nasa paligid nila nang magkatitigan ang dalawa.
Napapikit si Milagros nang maalala niya ang sinambit sa kaniya ng kaniyang lola.
"Sa susunod na kabanata ng iyong buhay ikaw ay magbabalik sa tunay mong mundo at kayong dalawa ay muling magtatagpo."
----------------------------------------------------------
Ito ay orihinal na isinulat ng may-akda at pawang kathang-isip lamang. Inspirasyon ng may-akda ang kwentong ILYS 1892 ni Binibining Mia na siyang nagpabuhay sa bagong mundo nito.
Plagiarism is a crime.
©All Rights Reserved 2021
BINABASA MO ANG
A Bridge Of Chance (On-Going)
Historical FictionMeet Clara Milagros Fernandez isang baguhang guro sa St. Raymond of Peñafort Catholic School. Siya ay anak ng isang sikat na comic book creator na kinahuhumalingan at inaabangan ng masa ngayon. Pero dahil sa hindi inaasahang pangyayari..... tila si...