Kabanata 6: Puente de Amorsolo

8 0 0
                                    

Magtatakip-silim na at kasalukuyang binabagtas ng isang heneral ang kahabaan ng gubat ng Las Espadas. At hindi agad mababatid ng sinuman na siya ay isang heneral dahil hindi ito nakasuot ng uniporme. Nakasuot lamang ito ng ordinaryong kasuotan na madalas na sinusuot ng kalalakihan kapag nasa tahanan ang mga ito. Tanging paghingal at yapak lamang ng kabayo ang nagbibigay ng ibang tinig sa gubat maliban sa ibang huni ng hayop.

Ngunit bago pa makarating ang heneral sa tulay ng Amorsolo ay hindi na ito nag-atubiling patakbuhin ng mabilis ang sariling kabayo sapagkat nababatid niya namang ang lahat ng tao ay tiyak na patungo na sa kanilang tahanan ngayon.

Nang makalapit na 'to sa bungad ng tulay ay kaniyang natanaw ang isang babaeng nakaharang sa daanan. "Tabi!" Sigaw ng heneral sa babae ngunit tila hindi nito naulinigan ang sinambit nito. At sa kasamaang palad ay hindi makontrol ng lalaki ang kabayo kung kaya't mabilis pa rin ang pagtakbo nito.

Samantala, tulala na lamang ang babae nang matanaw ang mabilis na paglapit ng kabayo sa kaniyang kinaroroonan. Sa bilis ng pagtakbo nito pakiramdam niya ay tila hindi maawat ng estranghero ang pagtakbo ng alaga. Ipinikit ni Clara Milagros ang kaniyang mga mata bilang pagtanggap na ngayong araw na ang huling pag-apak niya rito sa lupa.

Subalit sa oras na ito habang nakapikit ang dalaga, ibinuhos nito ang lahat ng lakas niya para lamang makaalis sa gitna ng tulay upang hindi masagasaan ng estrangherong lulan ng kabayo. Nakagawa naman ito ng paraan upang maihakbang ang paa paalis sa gitna subalit tila hindi naman na ito makakaligtas sa ngayon.

Napasigaw na lamang si Milagros nang mababatid nitong mahuhulog na siya sa baba ng tulay na napaligiran ng tubig-tabang sa kadahilanang napasobra ang pwersa nito sa sarili upang makaiwas lamang sa estranghero. Ngunit sa pagkakataong ito agad siyang nahawakan ng estranghero at naisakay sa kabayong tumatakbo pa rin hanggang ngayon.

Sa tindi ng gulat ni Milagros walang kurap at nakaawang ng kaunti ang bibig nitong nakatingin kay Felipe. "Maaari mong isara ang iyong bibig, binibini." Wika ni Felipe kay Milagros. Biglang inayos naman ni Milagros ang kaniyang sarili ngunit muntik na naman itong mahulog kung kaya't napayapos ang mga kamay nito sa batok ng lalaki.

Napakalapit ng mukha ng dalawa sa isa't isa. Nagkatitigan ang dalawa na para bang lahat ng nasa paligid nila ay bumagal. Pakiramdam nila tanging sila lang ang gumagalaw ngayon. "Clara Milagros!!!" Sigaw ng matanda. Gulat na napalingon ang dalaga sa gawi ng tinig. "Manang Puring..." Bulong nito sa sarili.

Agad itong bumitaw sa lalaki at lumundag pababa mula sa kabayo. Nanlaki naman ang mata ni Felipe sa ikinilos ng dalaga ngunit hindi niya ito ipinahalata. Buti na lamang bago makababa ang dalaga ay napahinto na ng lalaki ang kaniyang kabayo.

Naniningkit ang mga mata ni Manang Puring sa kaniyang natunghayan. "Milagros." Malamig na sambit ng matanda sa pangalan ni Milagros nang makalapit ito.

Lumapit naman si Felipe sa kinaroroonan ng matandang babae at dalaga na sa wari niya ay pinapagalitan. "A-Aray manang! Masakit po... Huwag manang." Wika ni Milagros habang pilit na iniiwasan ang pagpalo ni Manang Puring sa kaniya.

Hindi naman napansin ng dalawa ang paglapit ni Felipe sa kanila. Tumikhim ito bago nagsalita ngunit napansin na siya ng matanda nang tumikhim palang ito. Lalong sumingkit ang mata nito sa inasal ng lalaki na hindi agad humingi ng abiso. Ngunit agad ding nanlaki ang mata nito nang mabatid niya ang estrangherong kasama ng kaniyang alaga.

"Heneral." Wika ni Manang Puring. "Magandang gabi ho." Pagbibigay galang niya kay Felipe.

Agad napatingin sa kanila si Milagros nang banggitin ni Manang Puring ang salitang heneral. "Magandang gabi rin ho, Manang Puring." Tugon ni Felipe na nakangiti na sinabayan niya ng pagmano sa matanda.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Aug 15, 2022 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

A Bridge Of Chance (On-Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon