Kabanata 4: Ang Pagbabalik

11 0 0
                                    

Pasapit na ang bukang-liwayway ngunit gising pa rin ang mag-asawang Villaluna. Nakatayo sa tapat ng bintana ang isang Don na nasa edad limampu't isa na tinatanaw ang kawalan na nagngangalang Menandro. Tila malalim ang iniisip nito habang humihithit ng mamahaling tobacco.

Samantala, wala naman sa sariling naglalakad palibot sa kanilang silid ang maybahay nito na si Doña Carolina na nasa edad apatnapu't siyam.

Naagaw ang pansin ng Don sa hindi mapakaling asawa. Tinitigan niya muna ito at huminga ng malalim bago magsalita.

"Mahal, maaari bang ika'y kumalma? Ako ay nahihilo sa iyo." Wika ni Don Menandro sa asawa. Ngunit hindi ito narinig ng Doña.

"Carolina" Wikang muli ni Don Menandro sa asawa na nagpabalik sa wisyo nito. "Mayroon ka bang sinasabi, mahal?" Tanong nito sa asawa.

"Ako ay nahihilo sa kalilibot mo dito sa ating silid. Huwag kang mag-alala, sa pagsapit ng alas singko medya tayo ay agad na tutungo sa bayan." Pagpapakalma ng Don sa asawa habang hawak nito ang kamay ni Doña Carolina. Napatango na lang ang babae bilang pagsang-ayon sa asawa at sinubukan pakalmahin ang kaniyang sarili.

Dahan-dahan naman sa pagkilos ang mag-lolang Nenita at Puring. Kasalukuyang naghahanda ang dalawa ng agahan para sa pamilyang Villaluna na siyang pinagsisilbihan ni Manang Puring ng tatlumpung taon.

Si Manang Puring ang siyang tumatayong mayor doma ng Villaluna. Siya ay may katandaan na ngunit sa kabila niyon siya pa rin ay masigla at mabilis pa ring kumilos sa gawaing-bahay. Nasa edad animnapu't pito na ito, samantalang ang kasamang bata naman ng matanda ay nasa labing-isang taong gulang.

Maingat na sumusunod ang bata kay Manang Puring sa mga sinasambit nito. "Lola, sino po ba ang panauhin ng pamilya Villaluna? Napakarami po kasi ng ating inihahandang putahe para sa umagahan. At.... napakaaga po nating gumising." Dire-diretsong pagtatakang tanong ng bata.

"Iyo ring mababatid mamaya, apo. Puntahan mo na ang iyong Lolo Pedring at sabihang kaniya ng ihanda ang kalesa." Wika ng matanda sa kaniya.

Kalaunan bumaba na ang mag-asawang Villaluna mula sa pangalawang palapag ng kanilang tahanan. Paalis na sana ang mga ito nang makita sila ni Manang Puring.

Ipinaghain ng mayor doma sina Don Menandro at Doña Carolina nang makaupo sila sa hapag-kainan ng kaniyang espesyal na kapeng barako at kakanin na suman. Hindi pa rin maitago ng Doña ang pagkasabik sa pangalawang anak na matagal na nawalay sa kanila.

Madaliang tinapos ng dalawa ang kanilang pag-uumagahan na ipinilit pa ng matanda sa kanila upang hindi gutumin ang dalawa sa daan.

Pasakay na ang mag-asawa sa kalesa nang may magsalita sa kanilang likuran. "Ama, ina... nais ko pong sumama sa inyo sa himpilan ng guardia civil. Nasasabik na rin ho akong muling masilayan si Milagros." Wika ng kanilang panganay na si Callisto.

Dalawampu't limang anyos na ito at matanda lamang ng dalawang taon si Callisto kay Milagros kung kaya't hindi nalalayo ang edad ng dalawa sa isa't isa.

Nagtinginan sina Don Menandro at Doña Carolina sa pasyang gustong sumama ng anak gayong kagagaling lang nito sa dengue. Hindi nais ng mag-asawang sumama ito sa kanila ngunit kalaunan ay pumayag na rin ang sila sa kadahilanang hindi paawat ni Callisto. At mukhang aabutin pa sila ng pagsikat ng araw sa pagmamatigas nito kung hindi sila agad papayag.

Maliwanag na ngunit hindi mo ito basta-basta mababatid sa loob ng bilangguan. Tanging isang gasera lamang ang nagsisilbing liwanag sa tatlong rehas na naroroon. "Mga walang hiya kayo...pakawalan ninyo ako!" Umaalingawngaw na tinig ng lalaki sa kabilang dako ng bilangguan.

Napabuntong hininga na lamang ang dalaga sa kaniyang naulinigan. Maglilimang oras na itong namamalagi sa loob ng bilangguan. Nakaupo ang dalaga sa lupa habang nakasandal sa pader. Nakatiklop ang tuhod nito at nakapatong dito ang kaniyang noo. Inangat nito ang kaniyang ulo nang marinig na may kumakalas sa tapat ng kaniyang rehas.

"Serás libre." (Ikaw ay makakalaya na.) Wika ng guardia civil. Agad na napatayo si Clara nang bumukas ang rehas na kinaroroonan niya. "Gracias." (Salamat.) Sambit naman ng dalaga.

Binabagtas nito ang pasilyo ng bilangguan nang mapagtantong bigla niyang naintindihan ang sinambit ng guardia civil nito sa kaniya. Napakunot ang noo niya sa pagtataka habang naglalakad pa rin palabas ng himpilan.

"Finally, I am free!" Sigaw ng dalaga nang makalabas ito sa himpilan ng guardia civil. Inangat pa nito ang kaniyang mga kamay at pinikit ang mata habang nakangiti na tila dinaramdan ang sariwang hangin na nalalanghap nito ngayon sa labas.

Dahan-dahang minulat ng dalaga ang kaniyang mga mata. Kasabay nang kaniyang pagmulat ay ang siyang pagdating rin ng kalesang lulan ang pamilyang Villaluna.

Hindi magkamayaw sa pagbaba ang Doña nang makita ang isang pamilyar na babaeng nakatayo sa harapan ng himpilan ng guardia civil. Pabalik-balik ang tingin nito sa litratong dala at sa babae. Nanlalambot ang mga tuhod nitong pinagmamasdan ang itsura ng dalaga nang mapagtantong sila nga ay iisa. Muntik pa nga itong matumba na agad namang naalalayan ng mag-ama na nasa likuran.

Hindi mawari ng dalaga ang nararamdanan nang tumambad sa kaniya ang tatlong taong tila pamilyar sa kaniya ngunit ngayon lamang niya sila nakita. Tila tumigil ang lahat ng nasa paligid at tanging siya at ang mga taong nasa harapan lang nito ang siyang nakakagalaw. Tila napako ang katawan nito sa lupa na hindi makagalaw.

"M-Milagros, anak." Wika ni Carolina kay Clara. Hindi na nag-aksaya ng oras ang ginang at agad na nilapitan ang sinasabing anak upang mahagkan. "Kay tagal ko itong hinintay." Lumuluhang wika ng doña habang hagkan ito.

Hindi pa rin nababatid ni Clara bakit maging siya ay lumuluha na rin at tila nasasabik ang puso nito sa mga taong ngayon lang niya nakita. Hindi niya rin mawari kung bakit napayakap ito sa babaeng sa tanang buhay niya ay ngayon lang naman niya nasilayan.

"Hija, anak...ikaw nga." Naluluhang wika ni Menandro kay Clara nang makumpirmang siya nga ang nawawalang anak nilang mag-asawa na halos labing-apat na taon na nilang hinahanap. Kumalas sa pagyakap ang doña kay Clara na agad namang hinagkan ni Menandro. "Sa awa ng Diyos, Milagros." Wika ng Don na hindi na napigilan ang emosyon.

Umiiyak ring lumapit si Callisto sa ama at kapatid nitong si Milagros. Kilala siyang matikas at matapang na abogado ngunit pagdating sa kaniyang pamilya ay napakalambot ng puso nito. Hindi na rin nag-aksaya ng oras ang panganay na anak ng Villaluna at agad na hinagkan ang kapatid. Tumingala naman sa langit si Doña Carolina na hindi maawat sa pagpapasalamat sa Poong Maykapal.

Abala naman ang lahat sa hacienda Villaluna sa paghahanda para sa pagbabalik muli ni Milagros. Nagluluto si Manang Puring ngayon ng kaldereta dahil iyon ang ipinag-utos ni Doña Carolina sa mayor doma. Nag-iihaw naman ng manok at isda si Constantino na nasa likuran ng kanilang tahanan. Samantala patapos naman na sa pagdedekorasyon si Melina kasama si Nenita.

Nang matapos na sa kaniyang gawain si Melina ay tumulong na ito sa pag-aayos ng mga putaheng iniluto ni Manang Puring kasama ang ibang katiwala. Hindi nagtagal ay dumating na sa hacienda ang mag-asawa kasama ang dalawang anak.

Namamanghang pinagmamasdan ni Clara Milagros ang hacienda Villaluna. "Maaaring mong isarado ang iyong bibig, Milagros." Natatawang wika ni Calixto sa kapatid. Agad na sinuntok ni Clara ang braso nito na agad namang iniwas ni Callisto.

Agad ring nakapagpalagayan ng loob ang dalawang magkapatid sa kadahilanang pagiging pilyo ni Callisto, bagay na ikinatutuwa ni Clara. Habang binabagtas nila ang kahabaan ng bayan ng Las Espadas ay hindi maawat sa pagkwento si Callisto kay Clara tungkol sa mga madalas na ginagawa nila noong mga bata pa lamang ang mga ito na sakit sa ulo ng mga magulang. Kaniya ring ibinalita sa kaniya ang dalawang kapatid na malalaki na ang mga uhuging sina Melina at Constantino.

Tila alam na ni Clara kung saan niya maaari nakuha ang pagiging magiliw at pagkapilyo nito noong bata, at iyon ay sa kaniyang Kuya Callisto.

"Milagros, anak. Tumuloy ka." Wika ni Doña Marcelina sa anak nang mapansing hindi ito sumusunod sa kanila. "Opo, i-ina." Tugon ng dalaga.

"Ate Milagros!!" Tawag ni Melina kay Clara na agad inambahan ng mahigpit na yakap nang makatapat ito sa malaking pinto. Si Melina ang pangatlo sa apat na magkakapatid na Villaluna.

"Napakaingay mo talaga kahit kailan ate.... Milagros?" Gulat na wika ni Constantino. Agad din itong napayakap sa kaniyang ate Milagros na animo'y tinutulak pa ang kaniya ate Melina upang mahagkan ng siya lang.

Natawa na lang ang mag-asawang Villaluna sa inasal ng dalawa pang anak maging ang mga kasambahay ng mga ito.

--------
Happy reading!!

A Bridge Of Chance (On-Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon