Masayang nagsasalo-salo ngayon ang mga Villaluna kasama ang kanilang mga katiwala sa hacienda. Maraming mga pagkain at inumin ang nakahain sa hapag. Ang tahanan ng mag-asawa ay nababalot ng saliw ng musika at himig ng halakhakan ang bawat sulok. Malaking kagalakan sa kanila ang makabalik muli sa kanilang piling ang pangalawang anak.
Marahang inililibot ng dalaga ang kaniyang mata sa isang silid. Ito ay may higaan na nakapwesto sa kanang bahagi ng katapat ang isang mesang may nakapatong na bulaklak na mirasol kasama ang ilang aklat na nasa sulok at upuan. Napako ang tingin ng dalaga sa aklat na pamilyar sa kaniya. Ang kwentong gamu-gamo ni Dr. Jose Rizal ay madalas na binabasa ng kaniyang inang si Celestina noon sa kaniya hanggang sa siya'y makatulog.
Napangiti siya nang maalala ang inang si Celestina na namayapa na. Hindi nagtagal ay hinila nito ang upuan at umupo sa tapat ng mesa. Kasalukuyan niyang pinagmamasdan ang sarili sa salamin na nasa tapat lang din niya. Hindi pa rin siya makapaniwala sa mga nangyayari sa kaniya ngayon.
Pilit niyang inaalala kung papaanong nakapasok siya sa mundo ng nakaraan kung saan siya ay nasa panahon ngayon ng Kastila sa gayong nabubuhay naman siya sa kasalukuyan na malaya na ang Pilipinas sa mga dayuhang banyaga na nanakop sa bansang sinilangan.
Tinapik-tapik nito ang kaniyang mukha at pisngi upang magising sa mga kahibangang nangyayari sa buhay niya. Tila siya ay nananaginip ng gising o nasisiraan na ng ulo.
"Nakabihis ka naman na pala ate." Wika ni Melina nang makapasok siya sa silid nito. "Wala bang gano'n sa suot ko, Melina? Ah, sandali..." Wika ni Clara na akmang aalisin ang suot na baro't saya.
Nanlaki ang mata ni Melina sa sinabi ni Clara. "Hindi maaari ate Milagros sapagkat ito ang ibinilin ni ina na nararapat mo lamang isuot hindi tulad ng iyong kasuotan kanina." Katwiran ni Melina sa kapatid.
"Hindi nararapat na magsuot ka ng gano'ng kasuotan sapagkat iyon ay hapit na hapit sa iyong balingkinitang katawan." Dagdag pa ni Melina. "Saan mo ba nakuha ang kasuotan na iyon? Tila ikaw ay mangangahas na akitin ang iyong kabiyak sa kintab ng tela." Sermon pa nito.
Napanganga si Clara at halos mahulog din sa kinauupuan nito sa huling sermon na turan ni Melina. Napabuntong hininga na lamang si Clara nang mapagtantong wala na nga talaga siya sa mundong kinagisnan na malayong-malayo sa nakagawian niya. "Paano ba kasi ako napunta dito?" Mahinang wika ni Clara sa sarili.
Napansin naman ni Melina na tila may ibinubulong si Clara. "Mayroon bang problema, ate?" Pagtatakang tanong ni Melina sa kapatid. Napangiwi si Clara nang napansin pala siya ni Melina at agad na umiling na lang ito.
Kumatok ng tatlong beses si Doña Carolina bago pumasok sa silid ng anak na si Milagros. "Pasok ho, bukas po iyan." Wika ni Melina na. Hindi na nag aksaya ng oras ang doñang pumasok sa silid ni Milagros. "Napakaganda mo talaga, ate Milagros!" Natutuwang sambit ni Melina sa kapatid na natunghayan ng kanilang ina.
"Saan pa ba kayo magmamana kung hindi sa akin, hindi ba?" Natatawang tugon ng doña sa dalawang anak na babae. "Ina!" Wika ni Melina na agad yumakap sa ina. Nakatingin lang sa kanilang dalawa si Clara kung kaya't hinila siya ni Melina upang makayakap rin ito sa kanilang ina.
"Hindi ako nagkamali, bagay nga sa iyo ang baro't sayang aking ibinurda." Nakangiting sambit ni Doña Carolina sa anak na si Milagros. "M-Maraming salamat po, ina." Tugon naman ni Milagros. "Magaling na mananahi talaga ang ating ina. Wala talagang kupas!" Natutuwang balita ni Melina sa ate Milagros niya. "Napakaganda nga ho ina ng inyong gawa." Wika nitong nakangiti habang pinagmamasdan ang sarili sa salamin.
"Hanggang ngayon talaga ako'y inyo pa ring nadadaan sa matatamis na salita." Natatawang bwelta ng doña. "Nagsasabi lamang kami ng katotohanan ina." Katwiran ni Melina. "Siyang tunay ina!" Pagsang ayon ni Milagros sa turan nito. Napailing na lang ang si Doña Carolina sa dalawang anak. "Halina kayo at kumain. Masamang pinaghihintay ang grasyang ipinagkaloob." Wika niya ng kaniyang sadya.
![](https://img.wattpad.com/cover/257024124-288-k686200.jpg)
BINABASA MO ANG
A Bridge Of Chance (On-Going)
Historical FictionMeet Clara Milagros Fernandez isang baguhang guro sa St. Raymond of Peñafort Catholic School. Siya ay anak ng isang sikat na comic book creator na kinahuhumalingan at inaabangan ng masa ngayon. Pero dahil sa hindi inaasahang pangyayari..... tila si...