Alas onse medya na ng tanghali at kasalukuyang nasa opisina ng principal ang lahat ng guro na pinapangunahan ni Mrs. Dominguez. Nagsiuwian na rin ang mga estudyante para sa kanilang tanghalian kung kaya't napagpasyahan ni Mrs. Dominguez na ipakilala ang mga baguhang guro sa mga kasama.
"Ito rin ba ang unang taon mo sa pagtuturo?" Tanong ni Clara sa kapwa guro nito na si Aya. "Oo, kung kaya't grabe ang kaba ko." Natatawang sagot ni Aya sabay hawak pa sa dibdib nito. "Ramdam kita. Napagkamalan pa nga akong estudyante ni Manong Guard." Natatawang kwento ni Clara. "Seryoso?" Natatawang hindi makapaniwalang sagot ni Aya. "Oo, hahahaha. Promise!" Wika naman ni Clara. "Sabagay, kung ako rin naman ay aakalain kong estudyante ka rin dito. Hindi nga halatang nasa 23 years old kana." Hirit pa ni Aya. "Ay, huwag mo 'kong binibiro ng ganyan baka maniwala ako." Tugon naman nito sa pagbobola ng bagong kaibigan.
Tumikhin muna ang principal bago nagsalita. Natigilan ang dalawa sa pagkukwentuhan ng banggitin ni Mrs. Dominguez ang kanilang mga pangalan. "Ma'am Clara, Ma'am Aya, Sir Gabriel, and Sir Josh we are glad to meet you and to be with you." Pagbati ni Mrs. Dominguez sa mga baguhang guro. Nagtinginan naman ang apat at ngumiti sa mga kasamahan tanda ng maayos na pakikisama.
Napagkasunduang ng mga guro na sabay-sabay na lang sila mananghalian sa opisina ni Mrs. Dominguez. Masaya nilang kinikilala ang mga baguhang guro maliban kina Rose at Jane na tila hindi natutuwa sa pagdating ni Clara sa eskwelahang pinagtuturuan din nila. Napatingin si Clara sa gawi ng dalawa at ngumiti ngunit umirap lang ang dalawa na siyang sagot nila sa ngiti ng dalaga.
Si Rosalia Maris na kilala sa pangalang Rose at Janina Marie na kilala naman sa pangalang Jane ay magkapatid na siyang anak ng kaniyang Tito Alejandro. Magmula ng bata ang mga ito ay hindi nila ninais na makasundo si Clara dahil siya raw ay baliw. Madalas na tampulan ng tukso si Clara sa dalawang pinsan nitong si Rose at Jane sa kadahilanang nagagawang makipag-usap rin daw ni Clara sa hindi nila nakikita.
Halos sabay na lumaki ang tatlo na hindi nalalayo ang mga edad sa isa't isa. Bata pa lamang ay talaga ng kinagigiliwan ang nag-iisang anak na babae ni Robert na si Clara.
"Magaling Clara! Mahusay kang mang-aawit!" Pagpuri ni Mrs. Carlota Fernandez. "At magkwento!" Dagdag pa ni Mr. Romualdo Fernandez na maging ang itsura ni Clara sa pagkwento ay kaniyang ginaya. Napuno naman ng halakhakan ang kanilang sala. "Hindi naman ganiyan Dada!" Pagtanggi ni Clara sa paggaya ng lolo nito sa kaniya.
Sa kabilang banda napasingkit ang mata ng dalawang babae sa gilid habang pinupuri si Clara ng kanilang mga lolo at lola. "Kahit kailan talaga sipsip si Clara kina Mamala at Dada." Wika ni Jane. "Hmp! She's getting on my nerves, ate! Lagi na lang si Clara ang kanilang napapansin!" paglabas naman ng saloobin ni Rose sa kaniyang kapatid.
"Anong pinag-uusapan niyo dito, Rose at Jane? Why don't you join Mom and Dad?" Wika ni Alejandro sa mga anak sabay tingin sa sala kung saan naroroon rin ang pamilya ng kaniyang kapatid na si Robert.
"We're just looking to our pictures, Daddy. Look, we're so cute, right?" Pagpapalusot na nakangiting tugon ni Jane habang tinuturo ang mga litrato nila na nakaayos sa kabinet. " Of course anak! Let's go to them. Susunod na lang ang mommy ninyo." sagot ni Alejandro na agad namang sinunod ng dalawang magkapatid.

BINABASA MO ANG
A Bridge Of Chance (On-Going)
Historical FictionMeet Clara Milagros Fernandez isang baguhang guro sa St. Raymond of Peñafort Catholic School. Siya ay anak ng isang sikat na comic book creator na kinahuhumalingan at inaabangan ng masa ngayon. Pero dahil sa hindi inaasahang pangyayari..... tila si...