Shar's POV
Ilang araw na ganun ang sitwasyon namin ni Donny. Ilang araw niya na din ako sinasaktan. Wala akong magawa kundi sundin siya para hindi ako masaktan.
Nag aayos ako kasi ngayon ang araw ng sukatan ng damit ng bridesmaid at mga best man. Tinakpan ko nalang ng mga concealer yung mga pasa ko para hindi masyadong makita nila Mika. Naglong sleeve na din ako. Pagkatapos ko mag ayos ay lumabas na ko ng kwarto sakto din ang paglabas ni Donny. Hindi ako makatingin sakanya ng direcho dahil sa takot ko.
Nauna akong sumakay sa kotse. Habang nasa byahe kami ay tahimik lang kaming dalawa.
"Wag mong ipagsasabi kahit kanino na sinasaktan kita. Naiintindihan mo? Hindi ka pwedeng magsumbong. Pag nag sumbong ka mas masasaktan ka lalo. Tandaan mo yan Sharlene." Tumango nalang ako bilang sagot.
Pagkatapos ng ilang minuto ay nandito na kami sa pagsusukatan. Pagpasok namin naghihintay na sila Nash.
"Sharlene!" Nash and Mika. Lumapit sila sakin parehas at niyakap ako ng mahigpit. Natamaan nila yung iba kong pasa pero hindi ko pinahalata sakanila na may masakit sakin. After nila akong yakapin binati nila si Donny.
"Shar, bat hindi ka na nag oonline?? Hindi ka na din namin macontact. Buti anjan si Donny para makamusta ka namin. Tyaka may kasalanan ka pa sakin ha. Hindi ka sumipot nung nakaraan." Mika. Hindi ko alam ang isasagot ko. Bahala na nga.
"Sorry nasira kasi yung phone ko eh kaya hindi niyo ko makontak. And nung time na maghahang out tayo bigla kasi akong may ginawa. Hehe.." Palusot ko.
"Oh okay. Now we know. Otw na sila Ken. Malapit na daw."
"Ahh.." Umupo muna kami sa sofa. Magkatabi kami ni Donny ngayon. After ilang minuto dumating na din yung apat.
"Sharleeeeeneee!!" SB except kay Ken. Lumapit sakin yung tatlo at niyakap din ako.
"Namiss ka namin." Josh.
"Namiss ko din kayo." Nakangiting sabi ko sakanila. Nagbitaw na kami sa pagkakayakap. Lumapit naman si Ken.
"Shar"
"Ken"
Sabay na banggit namin ni Ken.
"Sorry." Sabay ulit kami. Nagkatitigan muna kami.
"Sige mauna ka na." Sabi ko.
"Hindi sige mauna ka na. Ladies first."
"Sige.. Sorry Ken ha. Naiintindihan naman kita eh. Inaalala mo lang ako." At tama ka naman sa sinabi mo."Wala yun. Sorry din kasi nasabo ko sayo yun."
"Okay lang."
"So bati na tayo?" Ken.
"Oo naman. Namiss kita Ken!" Sabi ko sabay yakap kay Ken. Niyakap din ako pabalik ni Ken.
"Namiss din kita Sharlene." Ken.
"Yes! Bati na sila." SB. Nagbitaw na kami sa pagkakayakap namin. Napatingin ako kay Donny na masama ang tingin sakin. Umiwas nalang ako ng tingin.
Nagsimula ng sukatan yung mga boys. Hinatak naman ako ni Mika sa mga gown na nakadisplay.
"Pili ka jan kung ano maganda. Kung ano yung gusto mo tapos sukatin mo." Nakangiting sabi ni Mika.
"Sige." Nagtingin tingin ako ng mga gown.
"Kamusta ka Shar? Parang pumapayat ka ha. Ayos ka lang ba?"
"Huh? Oo naman. Ayos lang ako."
"Ang init init nakalong sleeve ka."
YOU ARE READING
Come back to me, My Love (The Revelations) [COMPLETED]
FanfictionThis is the Come back to me, My Love Book 2 entitled "Come back to me, My Love (The Revelations)