Special Chapter

41 5 2
                                    

Note: This special chapter is for Stell.

Stell's POV

It's been 6 years simula ng umalis siya. Hanggang ngayon hindi pa siya umuuwi dito. Kinasal sila Gab, wala siya. Kinasal ang ate niya wala din siya. Binyag ng anak nila Pablo, wala din siya. Binyag ng anak nila Ken, wala din siya, Binyag ng pamangkin niya wala din siya. Kailan ka ba babalik? Umaasa pa din ako na babalik ka dito, at babalikan mo ko.

May mga rumor na kayo na daw ni Jake, pero sabi ng ate mo hindi naman kayo. Kaya umaasa pa din ako na babalik ka at babalikan mo ko. Tapos mag iisang taon na ng hindi siya kumokontak samin. Every Christmas pumupunta sila Donna sayo sa Korea pero last year hindi sila nakapunta dahil sa busy sila.

"Iniisip mo nanaman siya?" sabi ni Josh at umupo sa tabi ko. Nandito kami ngayon sa garden nila Donna. Wala lang trip ko lang bisitahin yung inaanak ko dito.

"Hayss.. Ang tagal niya na din kasing nandun sa korea, Josh. Mag iisang taon na siya hindi tumatawag satin."

"Hindi siya tumatawag kasi busy siya. Pero nagtetext naman sila ni Donna. Yun nga lang mga dalawang beses lang siya nagrereply dahil sa pagkabusy niya. Edi sana kung sumasama ka samin every Christmas edi sana nagkikita pa kayo kahit isang beses sa isang taon."

"Josh, alam ko namang kahit sumama ako, alam ko namang hindi niya ko kakausapin. Kaya useless din kung sasama pa ko."

"Hon, andito ka lang pala." Donna.

"Yes Hon, nakita ko kasi na malalim iniisip nitong hanggang ngayon na single pa rin nating kaibigan. Akalain mo yun mag 30 na siya kahit girlfriend wala. Hahaha.." Josh.

"Choice ko naman na hindi mag girlfriend." sagot ko. Umupo sa kabilang side ko si Donna.

"Stell, may tanong ako." Donna.

"Ano po yun?"

"What if umuwi dito sa France ng may boyfriend na, anong gagawin mo?"

"May boyfriend na siya?!"

"What if nga lang diba. May kasunod lang tanong yan. Sagutan mo muna yan."

"Edi magiging masaya ako para sakanila. Pero titignan ko muna kung aalagaan o mamahalin siya ng sobra sobra nung lalaki."

"Hindi ka ba magsisisi na hinintay mo siya ng 6 years tapos babalik siya dito may iba na siya?"

"Hindi. Choice ko naman na hintayin siya eh."

"Pero what if, umuwi siya dito ng single pa rin hanggang ngayon?"

"Edi papakasalan ko na siya agad."

"Wow. Aayain mo siyang magpakasal na hindi ka naman sigurado kung mahal ka pa ba niya."

"Ate Donna, hindi naman siya mananatiling single ngayon kung wala na siyang feelings para sakin. Edi sana sinagot niya na si Jake."

"Malay mo choice niya lang maging single." Josh.

Napabuntong hininga nalang ako.

"Oo nga pala, next week na birthday ng inaanak ko ah. San tayo?" tanong ko.

"Plano namin is sa resort namin nalang tayo magcelebrate. Pwede naman kayo diba?" Donna.

"Pwede naman ako."

"Sige. Sabihan ko na din sila Shar."

[1 Week Later]

Otw na ko papunta kila Josh. Dun daw kasi kami magkikita kita sa bahay nila para sabay sabay na kaming aalis.

Pagdating ko dun ako nalang pala kulang. Lumapit agad sakin yung mga bata.

"Ninong Stell!!!!" at yumakap sila sakin.

Come back to me, My Love (The Revelations) [COMPLETED] Where stories live. Discover now