Chapter 7

404 20 25
                                        

Ito na po ang UD. Sorry po mejo matagal na ang UD ko. Busy po sa work eh. Sana po maintindihan niyo.

Salamat!!!

*Ran Gomez on the multimedia

--------------------------------------------------------------------------------

"The ability of an Incarnate depends on which deity the candidate had made a Pact with. Though this abilities are limited, pwede naman natin itong gamitin effectively para makakuha ng advantage against the enemies. Pero hindi dapat gamitin ng basta basta ang abilities dahil nagcoconsume ito ng mana or energy. And yan ang dahilan kung bakit ka andito ngayon." Sambit ni Prof. Ikitsuki. Meron akong one-on-one lesson sa kanya ngayon kaya hindi ko sya pwedeng tawagin sa pangalan niya.Naalala ko yung sinabi ni Machi eh. Buti na lang hindi niya ako pinagalitan kahit late ako.

Magkasama kami ngayon sa office niya. Nasa second floor kami at malinis at malawak ang kaniyang opisina. Makikita mo rin ang garden at mga estudyanteng nakatambay dito pag sumilip ka sa bintana niya.

"I was supposed to teach you kung paano mo magagamit ang abilities mo effectively without your mana getting drained. But since hindi mo kilala kung sino ang Alter Ego mo, I don't think we can make use of your abilites. Hmm... Paano ba ito?" Ika niya habang kinakamot ang ulo. Pasensya naman kung di kami nakapagmeet-and-greet nung Alter Ego ko no. Alangan naman mamamatay na ako tapos magtalkshow pa kami.

Bigla na lang nagliwanag yung mukha niya.

"Alam ko na. If I remember, nagamit mo ang ability mo yet you didn't call upon your deity. And if my memory serves me right, may kinalaman sa mga halaman ang ability mo. Tignan natin if magagawa mo ulit yun ngayon. Hmmm..." Sinipat niya ang buong room. Parang may hinahanap.

"Ayun!" Umalis siya sa pwesto niya at pumunta sa sulok at kinuha ang isang paso na may lamang lupa.

"Sinubukan ko taniman ng tulips tong paso na to kaso sa kasamaang palad ay hindi man lang ito sumibol. So sa tingin ko andito pa rin yung mga buto ng halaman na iyon. Nais kong manipulahin mo ang halaman na iyon at palakihin mo." Wika niya. Eh? Paano ko gagawin yun? Napakunot na lang ang noo ko dahil sa bagay na gusto niya ipagawa.

"Ganito ang gawin mo. Lahat ng living things ay may energy sa loob nila. Yun ang tinatawag na mana. Ang kailangan mo lang gawin ay magfocus at pakiramdaman mo ang mana na sa halaman na ito. Tapos pakiramdaman mo rin ang mana mo at gamitin ito para mapalaki ang tulips." Paliwanag niya sa akin. You make it sound so easy. Napapaenglish tuloy ako sa pinapagawa niya. Kahit na nahirapan ako intindihin ay ganun na nga ang ginawa ko. Tinitigan ko maigi ang halaman at pinakiramdaman ito. Ilang minuto ang lumipas ngunit para na akong tanga na nakikipagtitigan sa halaman.

Wala akong maramdaman!!! I'm numb! I'm torpid! I'm handsome! Ay mali! Don't state the obvious. De joke. Pero wala talaga akong maramdamang mana eh!!!

Sususuko na sana ako ng may maramdaman ako na kakaibang enerhiya. Para siyang tubig na dumadaloy, panatag, banayad. Ngunit alam ko na hindi sa akin ang enerhiya na iyon. Sa halaman iyon! Sigurado ako! Sinubukan ko rin pakiramdaman ang mana ko sa katawan at hindi ako nabigo dahil mabilis ko itong naramdaman.

"Magaling. Napapakiramdaman mo na ang mana mo. Ipagpatuloy mo lang. Ngayon naman ay isipin mo na lumalaki ang halaman. Gamitin mo ang mana mo para magawa ito." Sabi niya sa akin.

Ganoon nga ang ginawa ko at naramdaman ko ang paggalaw ng mana sa katawan ko. Tila kumunekta ito sa mana ng halaman at parang naisasalin ang mana mula sa akin patungo sa halaman. Nakarinig ako ng sigawan sa labas ng opisina. Ano kaya nangyayari dun? Baka nagkakasiyahan sila. Nagfocus na lang ako sa ginagawa ko.

Hindi pa rin tumutubo ang halaman kaya ipinagpatuloy ko lang ito. Ngunit ganun pa rin ang resulta kaya dinagdagan ko ang mana na ginagamit ko. Halos manghina na ako ngunit hindi pa rin tumutubo ang halaman sa harapan ko hanggang sa tuluyan na akong napagod. Hininto ko ang paggamit ng mana.

"Prof., bakit po ganun? Pakiramdam ko naman ginagamit ko ng tama yung mana ko at naramdaman ko rin ang mana ng halaman na ito. Pero bakit walang nangyari?" Tanong ko sa kanya na may malungkot na boses. At latang-lata.

"Dahil hindi yang halaman na iyan ang ginagamitan mo ng mana." Wika ni prof habang nakasilip sa bintana.

Nagulat ako sa winika niya at nacurious din sa ingay na kanina ko pa naririnig mula sa labas ng opisina kaya ginamit ko ang natitira kong lakas para silipin ang mga nagaganap sa labas. Ngunit mas nagulat ako sa aking nasaksihan mula sa opisina ni Prof. Ikitsuki.

Ang mga estudyante na masayang nagkukwentuhan kanina sa garden ay nakalutang ngayon sa ere dahil sa mga mahahabang vines na nakapalupot sa kanila! Ang ibang estudyante ay balot ng mga dahon at tangkay na pinipilit nilang alisin. May mga gumagamit ng ng abilidad nila para makaalis lang sa pagkapulupot. Meron pa ngang isang estudyante na sinubukan gamitan ng tubig ang tangkay kaya yun, kumapal lalo yung halaman. Haha. XD

Parang nawala yung pagod ko dahil sa nasaksihan.

Nagawa ko.

Nagawa ko!!!!! Woohoo!!!!!

ヽ(^。^)ノ ヽ(^。^)ノ

"Abot tenga ang ngiti ah. Wag ka muna masyado magsaya. Hindi mo pa magagamit ang ability mo to its full potential dahil di mo pa kilala kung sino Alter Ego mo." Wika niya.

"Prof. Wag kang KJ. Nagvi-victory dance pa ako sa utak ko eh. Hayaan mo lang muna ako." Natawa na lang siya dahil sa tinuran ko.

Nakakalungkot lang isipin na sa kabila ng aking tagumpay ay may mga inosenteng buhay na nadamay.

Hoy! Pinagsasabi mo? Buhay pa mga iyan oh. Nagiistruggle lang. Get them out of their misery.

Ay! Oo nga pala. Ayos si konsensya ah. Umiinglish! XD

Kaya naman ginamit ko ulit ang aking mana para pakawalan ang mga estudyante mula sa mga halaman.

----------------------------------------------------------------------

Hindi na ako pinatuloy ni Shuji sa iba kong klase. Andami ko raw kasing naubos na mana. Kaya naman sinabihan niya ako na bumalik na lang muna ako sa dorm para makapagpahinga. At dahil sa likas sa akin ang pagiging masunurin, naggala muna ako sa campus. Haha!

Ayoko pa bumalik sa room eh. Alam niyo naman. May asungot na menopausal akong kasama sa kwarto. Mamaya na lang ako babalik pag matutulog na ako.

Pumunta ako sa park para magrelax muna. Ang ganda talaga sa park na ito. Malinis, malawak, mapuno pa kaya malamig. Marami ding estudyante na nagrerelax dito. Yung iba nagaaral, may mga naglalaro, may mga nagtatawanan at biruan. Hindi ko akalain na ang mga taong ito ay may kakaiba ding kakayahan katulad ko. Normal pa ba kami?

Habang nakaupo ako sa bench ay may narinig akong kakaibang mga tunog.

"Aahhh...haahhh....aaahhhh."

Ano yun? Parang may babaeng umuungol. At parang may lalaki na hinihingal. Nanggagaling sa may bandang mga puno ang tunog.

"Aahhh!!! Hhaaaahh!!! Aaahhh!!"

Lumapit pa ako ng tuluyan para makita kung ano ba talaga yun. Palapit na rin ng palapit ang tunog.

"Ah! Ah! Haaahh!! Urrghh!! Ah! Ah!"

Pagsilip ko sa lugar kung saan naroroon ang tunog ay nanlaki ang aking mga mata dahil sa hindi ako makapaniwala sa aking nakikita.

"Ryuji!!!" Sigaw ni Machi sa malayo.

Ay nalintikan na! Wala na. Nakita na nila ako. Anong sasabihin ko?

"Sino ka?" Sambit nilang dalawa habang hinihingal at pinagpapawisan.

------------------------------------------------------------------------------

Votes and Comment please.

Buti na lang pwede pa rin dito ang xD.

-OTORXD

Alter Ego (On-Hold)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon