Gusto ko pong ipaalam sa inyo na medyo matatagalan ako for the next UDs dahil po may mga important matters akong kelangan asikasuhin. >_<
Please bear with me. :(
And as a means of compensation, dalawang UD na po ang pinagsabay ko para sa isang araw.
Enjoy reading! ^_^
*Machi Fujiwara on your right
------------------------------------------------------------------------------------------------
Nagpakilala ako sa kanya at nagsimula na kaming maglakad. Sobrang ligalig niya habang naglilibot kami. Nakaenervon ata ang isang ito eh. Pero nakakatuwa siya. Tahimik lang ako all throughout the "tour" and magsasalita lang pag tinatanong niya.
Naipakilala na rin niya sa akin ang sarili niya. She is Machi Fujiwara. She is 15 years old and a freshmen student here at GGA. Nagstart siya magaral dito when she was 10 years old. Yun lang ang ibinigay niyang info sakin about herself. Ayoko din namang magtanong kasi kakakilala lang namin. Baka sabihin niya masyado akong usisero.
Pinagpatuloy namin ang paglilibot na sinasabayan din niya ng pagpapaliwanag. Grabe ang laki pala talaga ng buong lugar na ito. Lima ang school buildings, isang library, dalawang cafeterias, dalawang gymnasium, an open field and four dormitories. May dalawa pang building kaming nadaanan. Ang sabi niya ay iyon daw ang forgery at yung isa daw ay arena. Sa computer games ko lang naririnig yun ah. Meron ding park in the middle of the school ground na may mga benches at may isang malaking fountain. A perfect place for relaxing. Sabi niya meron ding daw spot sa buong campus na parang plaza where we can buy stuffs that we need and want though di na namin napuntahan kasi kanina pa kami naglalakad at nananakit na mga paa namin. Pumunta muna kami ng cafeteria para makapagpahinga at para kumain. Grabe! So parang isang mini town na din pala tong buong school grounds.
Umorder siya ng dalawang tinapay and softdrinks para sa amin. Ayoko sana tanggapin dahil nakakahiya pero naginsist siya. Umupo na kami sa malapit na mesa at nagsimulang kumain. Habang kumakain ay nagsalita siya.
"So kilala mo na pala si Prof. Ikitsuki. Este si Shuji. Ayaw kasi niya na tinatawag na Prof. Ikitsuki sa labas ng room. Gusto daw kasi niya komportable ang mga estudyante sa kanya. So paano kayo nagkakilala?" ika niya.
"Well akala ko isa siyang baliw or stalker hanggang sa isang gabi niligtas niya buhay ko." sagot ko sa kaniya. Kumunot ang noo ko ng bigla na lang siyang tumawa.
"Hahaha. Sorry. Pareho lang kasi tayo ng naging impression sa kanya. Haha." Paliwanag niya habang tumatawa.
"So sino ang Alter Ego mo? And what are your abilities?" Tanong niya. Nagkibit balikat lang ako sabay sagot ng "Ewan ko." Nanlaki ang mata niya.
"Talaga? Imposible. Dapat kilala mo yun. Nagpapakilala sila sa atin before yung pagsalin ng powers nila eh." Sabi niya. Ganyan din sinabi ni Shuji sa akin. Eh anong magagawa ko eh hindi ko naman talaga kilala.
"Bakit ikaw ba? Sino ba Alter Ego mo?" Balik tanong ko sa kanya.
"Well, ang Alter Ego ko ay si..
♪ Cause we're young and we're reckless ♪
♪ We'll take this way too far ♪
♪ It'll leave you breathless ♪
♪ Or with a nasty scar ♪
♪ Got a long list of ex-lovers ♪
♪ They'll tell you I'm insane ♪
♪ But I got a blank space baby ♪
♪ And I'll write your name ♪Taylor Swift? Alter Ego niya si Taylor Swift? Kelan pa naging deity yun? Kinuha niya sa bulsa niya ang cellphone at sinagot ito. "Hello?" Ahh! Ringtone pala niya yun. Akala ko naman.

BINABASA MO ANG
Alter Ego (On-Hold)
FantasíaEveryone has a second self unbeknownst to others. A second self that can be a manifestation of who we really are or what we really want. But what if your second self is actually an entity which are rumored to have existed long time ago? What if you...