Chapter 8

396 20 18
                                        

"Sino ka?" Sambit nilang dalawa habang hinihingal at pinagpapawisan.

"Ahmm. Hello. Hehe. Ano.. Ako nga pala si..."

"Ryuji! Anong ginagawa mo jan?" Entrada ni Machi.

Hindi pa ako nagsasalita ay bigla namang nagpakawala ng isang makabasag salamin na tili si Machi.

"Kyaaaaahhhhh!!!" -Machi

Hanep ah. Ilang decibels kaya yun? Pwede na ito ipalit sa sirena ng ambulansya. Siguro may kinalaman sa kaingayan alter ego nito. Haha!

"Hi Jansed! Ako nga pala si Machi! Ito naman si Ryuji. Napanood namin yung laban mo kanina at talagang napahanga mo ako! Grabe ang galing mo!" Sabi ni Machi na may patalon talon pa. Pinaglihi sa enervon ang babaeng ito.

Tumingin naman sa akin si Jansed at nginitian ko ito. Pero grabe lang. Ang pokerface niya. Siya yung serious type. Nakakatakot.

(/ω\)

"Salamat. Ako naman si Jansed at ito naman si..." -Jansed

"Kyaaaahhhhhh!!!" Pagpuputol ni Jansed. Tamo tong babae na to. Ansarap tapalan ng packing tape yung bibig. Packaging pala. Natutuliro na utak ko dahil sa tili ng babaeng to eh.

"Kilala ko siya! Siya si Bryll McClide! Laking America. Sikat siya dahil isa siya sa pinakamagaling lumaban dito sa GGA. Though never ko pa siya nakitang lumaban. Narinig ko lang sa ibang estudyante." Paliwanag ni Machi.

"Yo!" Bati nung Bryll. Wow. Hippie. XD

"Nice to meet y'all." Sambit ni Bryll.

"Potek! Spokening dollars nga pala to. Mauubos ang dugo ko nito eh." Wika ni Machi na may pahawak hawak pa sa ilong.

Isang ngiti lang ang isinukli ko. Nahihiya pa rin kasi ako na nahuli nila ako habang nanonood sa ginagawa nila. Malamang gusto nila pribado nila gawin yun kaya nga sa may mapunong lugar sila pumunta eh. Eh kaso pahamak naman tong babaeng nakalunok ng megaphone. Si Machi talaga may kasalanan eh.

Teka, parang nakita ko na itong Bryll na ito. Hindi ko lang maalala. Hmm.. Saan ko nga ba siya nakita?

Naputol ang pagiisip ko ng sikuhin ako ni Machi.

"Uy. Ano bang iniisip mo jan? Parang kasinglalim ata ng Pacific Ocean yan." -Machi

"Ah wala. Para kasing nakita ko ng itong Bryll eh. Di ko lang maalala." -Ako.

"Baka nakasalubong mo na yan habang naglilibot ka." -Machi.

"Siguro nga." -Ako.

"Teka, ano bang ginagawa niyo dito?" Tanong ni Machi kila Jansed.

"We are just practicing to enhance our skills." Sagot ni Bryll.

"Eh? Marunong ka umintindi ng tagalog? Nakakapagsalita ka rin ng tagalog?" Takang tanong ni Machi. Oo nga no. Naintindihan ni Bryll yun?

"Obviously. I can speak tagalog peyro kownti leng." Sagot ni Bryll.

Nagkakwentuhan pa kami ng matagal. Si Bryll lang ang madalas nagsasalita dahil tahimik lang si Jansed. At pokerface pa rin.

Naikwento nila na sa lugar na yun sila madalas magensayo. Tago daw kasi kaya wala silang maiistorbo na ibang tao. Tsaka ko lang din napansin na maluwag nga ang lugar kung saan sila nagpapraktis. Hindi ko lang nahalata kanina dahil mas napukaw ako sa ginagawa nilang paglalaban kanina.

Ang galing nila pareho. Naglalaban sila gamit ang mga sandata nila pero kaya nilang sabayan ang bawat atake ng isa't isa. Si jansed ay gumagamit ng isang mahabang metal na payat na may tatlong maliliit na bilog sa bawat dulo na gawa sa bronze . Si Bryll namam ay may suot na silver knuckles at metal na armlet na mula pulso hanggang sikuhan. Naikwento nila na gawa sa matitibay na materyal ang mga sandata nila at gawa ng mga magagaling na blacksmith sa forgery kaya hindi ito agad agad na masisira.

Alter Ego (On-Hold)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon