Here is the UD!
Ang pinakainaabangan nung isa jan. XD
Enjoy po. ^_^
*That is the Celestial Key
------------------------------------------------------------------------------------------------
Nagising ako dahil sa sinag ng araw na tumatama sa aking balat. Panibagong araw nanaman. Naalala ko nanaman ang mga naganap kagabi. At hindi pa rin matanggap ng utak ko na nangyari nga ang mga bagay na iyon.
Teka anong oras na ba? Alas nueve na pala ng umaga. Bumangon na ako at dumiretso sa kusina para kumain. Kelangan ko pa makipagkita kay Mr. Ikitsuki. Marami pa akong gusto itanong sa kanya. Wala namang pakialam si Annie kung umalis man ako eh.
Pagkatapos kumain ay umakyat na ako ng kwarto para maligo at makapagpalit ng damit. Hindi ko na nagawang magpalit kagabi dahil sa sobrang pagod ng katawan at utak ko. Pagkatapos magbihis ay lumabas na ako ng bahay at tumungo sa meeting place namin ni Mr. Ikitsuki.
Agad ko namang nakita si Mr. Ikitsuki kaya naman nilapitan ko kaagad siya. Isang ngiti naman ang ibinungad niya sa akin. "Andito ka na pala. Tara na. Sumunod ka sa akin." Wika niya sabay tayo at naglakad palabas ng park. Sumunod na lang ako kahit na andami ko pang gustong itanong sa kanya.
Sumakay si Mr. Ikitsuki sa isang kulay pulang kotse at ganun din ang ginawa ko. Doon ako umupo sa harap para mas madali ko syang makausap at maitanong ang mga gusto ko itanong. Pinaandar niya ang kotse at tinahak and daan patungo sa kung saan.
Habang nasa biyahe ay hindi ko na napigilan ang sarili na magtanong dahil sa sobrang dami kong bagay na nais mabigyang linaw. "So, paano ba napipili ang mga incarnates? Random ba or may criteria?." Panimula ko sa kaniya.
"Well, hindi ko masasagot yang tanong na iyan dahil maski ako mismo sa sarili ko hindi ko alam. The only thing that I can tell you is that deities choose their candidates kasi alam nila na kaya nilang mawithstand ang power ng deities na pumipili sa kanila." Sagot niya.
"What do you mean?" Ako.
"Makapangyarihan ang mga deities and they hold immense power. During the Pact, inililipat nila ang powers nila sa mortal na mapipili nila and the process is so painful kaya may mangilan-ngilan na namamatay during the Pact. Namamatay sila kasi hindi nila kayang iwithstand ang power na isinasalin sa kanila. And of course, pag namatay ang mortal, mamamatay din ang deity dahil they can only make the Pact with a mortal once. And once the Pact is done, the deities become our second self. Our Alter Ego."
Oh! Teka naalala ko yung nangyari sa panaginip ko ah. Yung sobrang sakit na naramdaman ko na parang totoo. And the voice from nowhere speaking to me. Kaya naman, "Kelan ba nangyayari ang Pact and how will you know kung successful?" Tanong ko.
"May dalawang paraan ang Pact. The first one is through birth. The second one is through a near-death experience." Paliwanag niya. Nanlaki ang mata ko sa narinig ko. Hindi kaya..
"Tama ang nasa isip mo. What happened to you is the second one, a near-death experience. You might be wondering how I knew, and malalaman mo rin yan in due time. Now when I felt that a deity is on the move, tumungo agad ako sa lugar kung saan nanggagaling ang force. And I saw how you struggled. I thought hindi mo kakayanin and almost left you there pero nagulat ako ng maramdaman ko ang life force mo. Kaya dinala kita sa inyo para makarecover ka fully. Now, a Pact is successful once the body exhibits its power. Nagkakaroon ng Déjà Vu ang isang incarnate kung saan nauulit ang mga pangyayari until sa part na magiging dahilan ng near-death experience nito. That is what happened to you. Pero maagang nagexhibit ang powers mo and by then I knew you were different. I knew that you had a Pact with one of the most powerful deity." Tuloy-tuloy niyang sabi. So ibig sabihin nangyari nga ang pagkakabugbog sa akin? At muntikan na ako mamatay?

BINABASA MO ANG
Alter Ego (On-Hold)
FantasyEveryone has a second self unbeknownst to others. A second self that can be a manifestation of who we really are or what we really want. But what if your second self is actually an entity which are rumored to have existed long time ago? What if you...