Chapter 10

374 18 24
                                        

Here is Chapter 10. Enjoy.

*Hiromi Jin on the Multimedia

------------------------------------------------------------------------

"There are four kinds of Incarnate depending on their ability. First we have the Active Users. Sila yung nageexhibit ng kanilang kakayahan by using the elements around them." Panimula ni Ms. Charm. Yan daw ang itawag namin sa kanya. Sinabi niya sa amin na ang kaniyang alter ego ay si Asteria, Goddess of the Oracles and Prophecies of Night

"Most of them can manipulate things around them. Kayang pagalawin ang lupa, pasunurin ang tubig, kontrolin ang hangin at iba pa." Pagtutuloy niya. Pumasok agad sa utak ko si Jansed. Kaya nyang manipulahin ang lupa so ibig sabihin isa siyang Active.

"We also have the Passives. Their abilities manifest through them. They use their ability without concrete evidence. Meaning, hindi visible ang kanilang ability. Take Ms. Yumiko for instance. Her ability is healing. Hindi siya nagrerely sa mga bagay na nasa paligid niya. Most passive users can manipulate creatures or humans." Yay! May mga kayang komontrol ng tao? Mahirap ata kalabanin yun ah.

"We also have the Combats. Sila naman ang mga Incarnates na magaling sa larangan ng pakikipaglaban. Though Incarnates have training for battles, mas magaling pa rin humawak ng sandata ang mga Combats." Sa tingin ko dito kabilang si Machi.

"And last but not the least, the Shifters. Sila naman ang mga may kakayahan magpalit anyo sa isang bagay na sacred sa kanilang deity." Ahh. Ito ang katangian ni Ran. Kaya pala siya naging peacock dahil sagrado ang ibong iyon kay Hera.

"Though Incarnates vary depending on their ability, hindi pa rin natin malalaman kung sino ang llamado o dehado. As long as you know how to use your abilities effeciently, and know when to use it properly, you will always have the upper hand when it  comes to battles." Sabi niya sa amin. Tama siya. Nekedepende pa rin sa paraan ng paggamit ng abilidad ang kakayahan ng isang tao. Marami pa siyang naituro sa amin at nagenjoy naman kami sa pakikinig kaya hindi na namin namalayan ang oras.

Natapos ang lesson namin at nagpaalam na ako sa kanila. Ngunit bago ako makalabas ay pinigilan na agad ako ng napakahigpit na kamay sa aking pulsuhan. Lumingon ako para makita kung kaninong kamay yun pero nagulat ako nang makitang nakatirik ang mata ni Ms. Charm. Pinilit ko alisin ang kamay niya pero napakahigpit ng hawak nito. Feeling ko hindi na dumadaloy dugo ko papunta sa kamay. Bigla na lang nagsalita si Ms. Charm. Pero kakaiba yung boses niya. Tatlo ang timbre ng boses niya. Isang malalim, yung normal niyang boses at isang matinis na tinig. Hala! Exorcism of Ms. Zamora.

"The tree of life will once more bloom,
With consequence of an eternal doom.
The door to the depths of the bottlomless abyss,
Will be unlocked with one unique among many keys.
For the seal and the key must never be one,
Or the entire existence will forever be gone.

Take heed on the time for the coming of age,
When the moon sheds blood, your destiny will change.
Beware of those who're close to you,
For those who can be trusted are only few.
Be careful of choices you have to make,
For they are the ones to decide your fate."

Pagkatapos niya sabihin yun ay bumalik na siya sa sarili niya.

"Anong nangyari?" Tanong niya.

"Ms. Charm bigla po kasing tumirik mata niyo tapos nagiba boses niyo eh. Tapos bigla po kayong tumula."-ako

"Huh? Shocks. Sorry. Must be my alter. Natatandaan mo pa ba mga binanggit ko?"- siya.

Umiling na lang ako dahil  gusto ko nang umalis. Shemay. Kinilabutan talaga ako dun. Hanggang ngayon nakatayo pa rin ang mga balahibo ko.

Alter Ego (On-Hold)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon