Two weeks ng naka-confine si Spade sa ospital bago siya nadischarged. At two weeks bago ini-announce sa Lucky Nine ang nangyari, although meron ng mga tsismis na kumakalat.
Ng araw na magising si Spade, sinabi na niya kay Keith at Cory ang nangyari kaya alam na nila kapag umaalis agad siya every after classes niya.
Pinahilom lang ang concussion ni Spade kaya natagalan ang pagstay nito. Naghihilom na din yung mga sugat nito at pasa. Pero isang buwan pa ang bubunuin nito para sa mga slightly broken bones.
In short, mamimiss nito ang kalahati ng semester kaya home study na lang ang solusyon ni Spade.
Alam na nila kung sino ang bumugbog kay Spade. Irvin Earl Lanres. Isang subordinate ng Frealles Fraternity. Inaalam pa nila Seven kung utos yun mula sa boss ng Frealles na si Kyle Reyal o sariling operation yun ni Lanres.
At oo, daig pa nila ang mga pulis sa mga operation eklavu nila.
Ang importante, mas normal na ang buhay niya kumpara nung nasa ospital si Spade. Kailangan maingat sa pagpunta sa ospital. Anino na niya si Seven. Special treatment siya kay Aron at Peter dahil siya daw ang bumuhay kay Spade.
At least ngayon, bukod sa dadalawin na lang niya si Spade, hindi na siya mapapraning sa mga kalokohan ng mga fraternity.
Relief.
.
.
.
.
.
.
•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•
Nasa Malacañang palace sila dumiretso. Hanggang sa marealize niya na bahay pala ni Spade ang sadya nila.
Pero hindi yun bahay. Dahil ang bahay : Sala, Kusina, Kwarto, Banyo at Hapag Kainan! Habang ang kay Spade Fairsleigh ay jungle, park, beach , fastfood chain at hotel.
Pakiramdam ni Dreis lahat yun magkakasya sa lupain ni Spade.
Bumaba sila sa sasakyan pagkatapos lagpasan ang napakahabang entrance ng mansion ng mga Fairsleigh
Naka- wheelchair si Spade, nakatayo siya dala ang knapsack bag niya sa tabi nito. Kasama nila si Peter at Seven.
Bukod sa makalaglag pangang laki at ganda ng bahay ni Spade, madami-dami pa atang nakakawindang na bagay ang posibleng mangyari.
Gaya ng nangyayari ngayon. Mga labinlimang kasambahay na naka-uniporme sa kanan at ganun din ang bilang ng sa kaliwa ang nakaduko at sumalubong sa kanila.
"Welcome back po, Young Master," sabay-sabay na bati ng lahat.
O-kay. Hindi ba sa pelikula lang 'to at sa mga kwento sa libro?
"Welcome sa Fairsleigh Residence: Sir Peter, Mr. Silvia at Miss Thedreis," bati naman sa kanila.
"Guys, guys... let's stop the formality. Tulungan niyo na kaming ipasok ang mga gamit ni Spade, okay?" pagbabalik ni Peter sa essence ng informality.
What a talent.
"Talaga bang ganyan sila?" tanong niya sa mga kasama. Si Seven ang nagtutulak ng wheelchair ng iritableng si Spade na nagpupumilit na kaya naman niyang maglakad. Nakasunod lang siya dito. Siya din and tanging dahilan kung bakit ito pumayag na mag wheelchair.
"Si Mr.Han kasi ang butler ng Fairsleigh. Korean native- Filipino naturalized citizen. Kaya best practices ng Korea ang ilan sa mga na-adopt ng mga kasambahay," paliwanag ni Peter. Nakatingin siya sa mga kasambahay na dinadaanan nila. May seven-step stair pa na aakyatin bago tuluyang makatungtong sa tapat ng pinto ng palasyo nila Spade.
BINABASA MO ANG
The Bastard I Hate
RomanceHe really has this charisma. I'm like a firefly dancing around the fire, no matter how treacherous it was to come near, or to even fly around it, Spade will always be a lovely fire. Warm and fierce and caressing. Shit, this is bad. But I tried to fu...