Maaga siyang gumigising dahil siya ang naghahanda ng almusal nila ng Papa at nakababata niyang kapatid na si Lance. Pinapabaunan din niya ito ng lunch pack. Well, she's a daddy's girl. At kahit gaano siya kapuyat sa tinatapos niyang mga projects sa gabi ay pinagsisikapan niyang bumangon ng maaga para sa Papa at kapatid niya. Scrambled egg at tinapay ang almusal nila.
Maliit lang ang bahay nila. Two storey yun dahil maliit nga lang ang sukat. Tatlo ang kwarto sa taas pero dahil wala ang mama niya ay magkatabing natutulog ang Papa at kapatid niya. Sa baba nandoon ang banyo nila, sala,kusina at hapag kainan. Konting lakad lang sa labas ng pinto ay nandoon na agad ang maliit nilang gate.
Nabulabog ang mapayapa nilang umaga ng may pumaradang sasakyan sa tabi ng F/X na pinapasada ng Papa niya.
Shit!
"May tao ata, Pa," saad ni Lance. Tumayo ito sa hapag para silipin sa bintana. He is a grade six student sa isang public school.
Bumilis ang tibok ng puso niya. Please. Please, no...
"Lalaki?" dugtong pa ni Lance. Tumayo na rin siya kahit parang malalaglag na ang puso niya sa sobrang kaba.
Pagsilip niya sa bintana, confirmed! Si Spade! She felt her blood drained. Hindi niya alam kung magmumura ba siya sa inis o iiyak.
Patuloy lang na kumain ang Papa niya at si Lance naman ay bumalik na sa kinauupuan.
"Kilala mo?" tanong ng Papa niya. Tumango siya.
"Kaklase ko," pagsisinungaling niya.
"Si Keith o si Cory?" tanong nito. Breathe Thedreis! Breathe!
Kilala ng Papa niya ang dalawa at natatanging kaibigan niya sa school. Madalas silang mag-group study sa bahay.
"Hindi, Pa, iba. Pogi. May manliligaw ka na, ate?" walang pakundangang saad ni Lance. Lance!!!
Tinignan niya ng masama ang kapatid. Tila ba na-gets nito ang tingin na yun at lalong lumapad ang ngiti.
"Manliligaw nga ni Ate! Namumula siya oh," tukso nito. Hihimatayin ata ako!
Seryoso siyang tinignan ng Papa niya. Anong sasabihin ko?!
"Bakit hindi mo papasukin?" kalmadong tanong ng Papa niya. Umiling siya.
"Ayoko. Next time na lang. Tsaka ayoko sa kanya," inis na sagot niya. That's the least expression she's expecting.
"Hindi por que ayaw mo sa kanya, hindi mo na siya ipapakilala sa akin. Bilib ako sa mga lalaking malakas ang loob at nagpapakilala sa magulang ng babae," komento ng papa niya.
"Kahit ayaw ko sa kanya?" tanong ni Dreis.
"Kahit pa panget siya. Papasukin mo na," utos nito. Umiling siya.
"Next time nalang po. Male-late na din po ako. Babye," paalam niya saka nagmamadaling kinuha ang bag at lumabas.
"Akala ko balak mong magpalate eh," komento ni Spade.
"Anong ginagawa mo dito?" inis na tanong niya.
"Sinusundo ka. Napag-usapan na natin 'to diba?" kompronta ni Spade.
"Malay ko bang tototohanin mo?" singhal niya dito.
"I have my word," seryosong saad nito.
"Whatever, okay?" bwiset na saad niya. Wala ng tatalo sa talent ni Spade na manira ng umaga.
Kagaya kahapon ay dala ni Spade ang motor nito. Sa hitsura pa lang ay halatang mahal iyon. Sumakay silang dalawa papasok ng school.
.
BINABASA MO ANG
The Bastard I Hate
RomanceHe really has this charisma. I'm like a firefly dancing around the fire, no matter how treacherous it was to come near, or to even fly around it, Spade will always be a lovely fire. Warm and fierce and caressing. Shit, this is bad. But I tried to fu...