Chapter 9: Heading To Somewhere.

132 4 0
                                    

A/N: Grabe talaga, napakatamad nang author niyo, iniiwan niya nalang basta basta ito hahah joke kasi naman eh busy!! Hay naknang tokwa.

~Lin

"Kailangan nanatin puntahan itong bahay na ito! Nanganganib na tayong lahat dito, kinabukasan nang madaling araw ay aalis tayo at pupuntahan natin ito." Sabi ko.

"Ang layo nito!" Pag iinarte ni Laura.

Humarap naman ako sakanya at itinuro ko sakanya ang hintuturu ko.

"Laura mamili ka, mag stay ka dito habang nanganganib ang buhay natin, oh sasama ka saamin." Inis kong sabi sakanya.

Minsan lang ako maging ganito sakanila, dahil ayaw na ayaw kong nagagalit sakanila. Pero ngayong kailangan naman mabuhay lahat.

"S-sorry Ate Lin, hindi na po mauulit." Sabi niya habang nakayuko.

Tama ang nababasa niyo, Ate talaga ang mga tawag nila saakin buwan lang ang agwat ko sakanila pero ituturing nila akong ate at tumatayo naman akong bilang ate nila.

Pero dahil sa mag kakatropa kami ay sinabi ko nalang sakanila na pangalan ko nalang ang itawag nila at wag na nila akong tawaging ate.

"Ayos lang yon." Sabi ko sanay himas sa ulo niya na ikinangiti niya.

"Bukas aalis na tayo kaya matutulog tayo na mag kakasama para mabantayan natin ang isa't isa." Sabi ko sakanila.

"Yes po ate." Sabi naman nilang lahat.

"Lin." Napalingon naman ako kay Jiya at nakikita ko sakanya na kinakabahan siya sa mang yayari saamin.

"Jiya, don't worry  kaya natin to okay?" Sabi ko sakanya.

Tumingin naman siya saakin at tumango.

Nginitian ko naman siya bago kami umakyat at natulog nang mahimbing.

*

*

*

Kinabukasan ay maaga kami nagising mga alastres nang umaga ay gising na kami.

"Ano wala naba kayong nakalimutan?" Sigaw ni Lance.

5 AM na at aalis na kami papuntang bagio, doon kasi nakatira yung babaeng nag sulat nitong libro.

"Okay let's go na guys." Sabi ni james.

Nasalikod kaming mga babae habang nasa harapan ang mga lalake.

Buong byahe ay nag uusap usap lang kami tapos nang throthrow back nung high school palang kami tapos kain nang junkfood.

Mga 3-4 hrs kami inabot papunta sa bagio, ang hinahanap nalang namin ay ang address na nakalagay dito sa libro.

Nauntog naman ako sa upuan nang biglang huminto ang kotse na sinasakyan namin.

"Ayos kalang Lin?" Pag aalalang tanong ni Laura.

Tumango naman ako at tumingin sa paligid.

"Andito na tayo, parehas na parehas nang address na nakasulat dito sa libro." Sabi no Lance.

Tumingin naman ako sa bahay at napakaluma na ito na parang sinauna pa, at yung gate lamang may bato at bakal, makikita mo na kaagad ang bahay sa gate palamang, puro bulaklak ang paligid nang bahay na ito.

Isa isa naman kaming bumaba nang kotse at pumunta sa gate at sumigaw ng "Tao Po."

May babaeng matanda naman na hanggang beywang ang haba nang bohok at kulay brown ito at masasabi mo parang 30+ palang ang itsura nito at naka long sleeve at palda ito.

Lumakad naman yung babaeng matanda papunta saamin at tinanong kami kung sino daw kami.

"Ummm dito po ba nakatira si Karla Rodriguez?" Tanong ko naman.

Napatitig naman saamon yung matandang babae.

"Anu kailangan niyo sakanya?" Tanong nung matandang babae.

Ibinigay naman ni Lance yung libro na ginawa ni Karla Rodriguez at ipinaliwanag namin ang mga nang yayari.

Napabuntong hininga naman yung matandang babae at hinimas himas anh libro atn ngumiti ito na parang naiiyak.

"Tuloy kayo." Sabi nang matandang babae at pinagbuksanan kami nang pinto.

"Gusto lang naman po namin sana malaman amg storya nung batang babae diyan na si Katy." Sabi ni Laura.

Ngumiti naman yung matanda at tumango.

"Ako Si Karla Rodriguez at alam kong may mang yayari na ganito, ikukwento ko sainyo lahat na nang yari nung kami pa ay mga bata."

Gulat na gulat kami sa sinabi niya, siya si Karla? Napakaganda niya parin kahit matanda na siya.

"Tara pumasok na tayo sa loob at may nararamdaman ko na may palapit." Sabo niya.

Kinilabutan naman kami doon at tuluyan na kaming pumasok nang bahay niya.

A/N: Tuloy ko nalang po sa next chapter ✌

Let The Game BeginTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon