Chapter 16: Final Chapter.

72 4 0
                                    

A/N: Pasensya nakayo kung maikli ahh!

~Lance

"Bakit ba ginagawa niyo ito saakin!!!?" Sigaw ko dito sa walangyang babaeng ito.

"You'll know it later sweety, antayin natin ang pinakamamahal kong anak at ang pinakamamahal mong babae, HAHAHA!!"

Hindi ko alam kung bakit niya ginagawa ito at bakit nadamay yung mahal ko dito, hindi ko parin makita ang mukha nitong babaeng kumidnap saakin.

Sino siya?

"Lance!" Sigaw nila.

Naririnig ko ang mga sigaw nila, kaonti nalang ay nandito na sila.

"Sumigaw ka dali." Bulong saakin nung babae.

Hindi ko naman siya tinugon at nakita ko naman ang pag kainis nito dahil sa kanyang mga labi.

May kinuha naman siya sa likod at nagulat ako ng kinuryente niya ako.

"AHHHHH!!" Sigaw ko ng napakalas.

"Si Lance yun tara!"

Huwag kayo pumunta dito, mapapahamak lang kayo.

Nakita ko naman silang pumasok dito sa kwarto at tinignan ko ang paligid wala na yung babae.

"Lance!" Iyak na sabi ni Lin.

Tinanggal naman nila yung mga nakatali saakin, sugatan ako at marami akong paso sa katawan dahil sa pinag gagagawa saakin.

*clap* *clap*

Nakarinig naman kami ng palakpak sa likod.

"Bravo, bravo, buti nahanap niyo ang daanan papunta dito." Sabi nung babae.

Tinanggal niya naman yung hood sa ulo niya na ikinagulat namin lahat.

"Ma?" Pag tatakang tanong ni Lin.

"Hello darling, alika dito sweety diba sabi mo may gagawin ka kay Lance." Sabi ng nanay ni Lin.

"Anong pinag sasabi mo Ma!? Bakit mo ginagawa ito!" Sigaw ni Lin.

Ngumiti naman yung nanay niya sakanya at bumuntong hininga.

"Anak, tapos na ang acting kaya tigilan mo na yan at alika na dito." Sabi naman ng nanay ni Lin.

Acting? Anung ibig niyang sabihin?

Napatingin naman kay Lin at takang taka din ito.

"Anong pinag sasabi mo Ma?" Tanong ni Lin.

Kailangan ko siguro sumingit dito.

"Oo nga! Anu bayang pinag sasabi mo, si Lin umaacting nababaliw ka ata!" Sigaw ko sa nanay ni Lin.

Nakita ko naman itong sumimangot.

"I guess hindi pa gising ang tunay na ugali ng anak ko, well then gigisingin kita anak." Sabi nito at biglang hinablot si Lin.

"LIN!" Sigaw naming lahat.

"Crisselle, bakit mo ginagawa ito!" Sigaw ni Lola.

Napatingin naman kami sakanya dahil sa nag tataka kami kung bakit niya nalaman yung pangalan ng nanay ni Lin.

"Oh, Karla natatandaan mo ba kung pano mo agawin ang asawa ko!?" Sigaw ni Crisselle.

Napayuko naman si Lola.

"Sabi ko huwag mo siyang agawin, lumuhod ako nag makaawa ako, umiyak ako sa harapan mo, pero ano ang sinabi mo saakin? Mahal mo siya! At saiyo lang siya!!" Sigaw ni Crisselle.

Let The Game BeginTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon