Chapter 11: Let The Game Begin

162 6 0
                                    

A/N: Excited na ako mag update nito kasi parang nakakaexcite na haha!! Yun lang.

~Lin

Nakarating na kami dito sa bahay bakasyunan ni Lance at nandito rin si Lola Karla. May pinag mamasdan siya sa mga paligid ligid na hindi namin alam kung anu yung ginagawa niya.

"Uhmm... La pwede po ba mag tanung?" Sabi ni Jiya.

Nagtataka rin siguro itong si Jiya sa pinag gagawa ni Lola sa bahay.

"Anu iyon iha?"

"Anu po bayang ginagawa niyo, may hinahawakan po kayo na isang bagay dito sa loob nang bahay tapos pinapakiramdaman niyo po." Tanong ni Jiya.

Napatingin naman kaming lahat kay Lola at napabuntong hininga siya at ngumiti.

"Isa akong paranormal expert, pinag aralan ko ito sa aking namayapang itay, tinuruan niya ako kung paano ko malalaman kung may masama bang nilalang sa bahay." Paliwanag ni Lola.

Napalunok naman si Lance sa sinabi ni Lola.

"May masama po bang nilalang dito?" Nerbyosong tanong ni Lance na ikinangiti ko.

Namamawis na siya sa takot at kaba na baka mau masamang nilalang dito.

"Huwag kang matakot iho, nasa likod mo lang naman ang isang namayapang tao." Sabi ni Lola.

Napatili naman si Lance na paranh isang babae at tumakbo papunta sa likod ni Lola.

"Haha! Pure girl kana dude!!" Pang asar na sabi ni James.

"Iho may namayapang bata sa likod mo naka yakap siya sa binti mo." Sabi nanaman ni Lola.

Nagtatalon at nagtitili naman si James sa takot at tumakbo papunta sa likod ni Lola.

"Pure girl pala ahh, eh ikaw nga tong mas pure girl saakin." Asar na sabi ni Lance.

Natawa naman kaming lahat sa mga joke ni Lola saamin.

Nang gabihan ay nagsimula na kami mag imbistiga sa bahay.

"Sa library tayo unang mag umpisa." Sabi ni Lola.

Napatango naman kami bago kami umakyat sa itaas.

Naramdaman ko naman ang paghawak saakin ni Laura sa braso ko.

"Natatakot ako Ate." Sabi niya.

Hinawakan ko naman ang kamay niya at nginitian siya para kahit papaano ay mabawasan ang kaba niya.

Binuksan ni Shin ang ilaw sa library at sinimulan namin tignan ang mga Libro doon.

"La anu po pala ang hinahanap natin dito?" Tanong ni Lance.

"Basta kahit anung kakaibang libro, kapag may nakita kayong kakaibang libro na hindi niyo pa nababasa ibigay niyo saakin iyon." Sabi ni Lola.

Bakit naman kaya?

Nag titingin ako sa paligid ligid, sobrang laki nitong Library may makita kaya kaming kakaibang libro dito.

Kakatingala ko sa mga libro ay natamaan ko ng malakas ang isa sa mga lalagyanan nang libro at may bumagsak ito.

"Anu nangyari?" Alalang tanong ni Lance at itinayo naman ako nila Jiya sa pagbaksak ko.

"Natamaan ko lang ito tapos may parang bumagsaksa gilid nitong bookshelf." Sabi ko.

Tinignan naman ni Lola yung gilid nang bookshelf at parang may kinuha siya doon.

Isang brown na libro na may nakalagay na, Diary.

Pumunta tayo sa sala at basahin natin ito.

Tumango naman kami at pumunta sa sala at naupo kami lahat doon.

Binuksan naman ni Lola iyon at nag simula siyang mag basa.

"Agosto 21, 1990

Ako ay muling nag lalakbay kasama ang aking pinakamamahal na si Katy, nag hanap kami nang bahay na matitirahan at hanggang sa kami ay nakakita nang isang lupa at halatang may nakatayo dito na bahay ngunit parang nasunog ito, kahit sa ayaw ko ay gusto ito bilhin nang mahal ko kaya binili ko ito at pinatayuan nang bahay bakasyunan, ngunit tatlong linggo ang nakalipas ay hinahanap ko ang pinakamamahal kong babae ngunit hindi ko alam kung nasaan siya at hanggang sa malaman kong nasa ospital siya kaya pumunta ako doon ngunit sakit lang pala ng puso ko ang mararamamdaman ko doon nang sabihin niyang hindi na niya ako kilala pa."

Isinara naman ni Lola yung libro na nakuha namin at lahat kami ay nakatulala lang dahil sa nabasa ni Lola.

"Sa tatay mo ata ito." Sabi ni Lola.

Kinuha naman ni Lance iyon at niyakap ito.

"Anu kaya ang nangyari nung binata pa si papa." Tanong ni Lance.

"Mas mabuting tanungin mo siya iho, nang malaman natin ang kasagutan." Sabi ni lola.

Napatayo naman si Lola at may tinitigan siya na parang litrato malapit sa kusina.

"Parang kakaiba ito." Sabi ni Lola.

"Anu po kakaiba diyaan sa babae na nasa litrato?" Tanong naman ni Shin.

Tinitigan ko naman ito at wala akong makitang kakaiba dito.

Hinawakan naman ni Lola ito at gulat na gulat kami nang pindutin niya ang mansanas na hawak hawak nang babae at lumubog ito.

"Nakakapag taka kung yung ibanh parte ng litrato ay hindi lubog kundi ito lang anh lubog." Sabi ni Lola.

Oo nga, bakit yung mansanas lang yung lubog at hindi manlaman namin napansin iyon, sabay ay maliit lang yung mansanas.

Pinindot naman ulit ito ni Lola  at biglang may narinig kaming bumukas na pinto galing  sa libruhan.

"Tara tignan natin iyong nag bukas." Sabi ni Lola.

Pagdating namin sa Libruhan ay may nakita kaming susi na nakalawit sa isang litrato at kinuha namin ito.

"Saan naman kaya ito?" Tanong ni Lance.

"Kyaaaaaa!!!!" Napalingon naman kaming lahat nangg tumili si Jiya, at paa nalamang niya ang nakita namin sa pinto at tuluyan na itong inihugot.

Kaya napatakbo kami palabas ng pinto ngunit nawala  na siya nang tuluyan sa paningin namin.

"Jiya!!!" Sigaw ko.

"Alikayo dito." Sabi naman ni Lola.

Tumakbo naman kami papunta doon at nakita namin na may gumuguhit sa pader.

'1/7'

"1 over 7, anu ibigsabihin nun?" Tanong ko.

Kinakabahan na kaming lahat sa nang yayari, naririnig ko ang iyak ni Laura sa likuran ko.

"Ilan kayo?" Tanong ni Lola.

"7 po." Sabi ni Shin.

Anu meron kung 7 kami?

Hindi kaya.

"Lola ibig niyong sabihin." Nanaginginig kong  sabi kay lola.

"Tama ka sa hinala mo iha."

Napaiyak naman ako sa sinabi ni Lola.

Hindi pwede ito, hindi, hindi ko matatanggap ito, hindi pa patay si Jiya, buhay pa siya alam kong buhay pa siya.

Umiyak ako nang umiyak sa mga nang yayari ngayon.

"Tama na iyan iha, alamin nanatin kung saang pinto ito para wala na ulit sainyo mawala pa." Sabi ni Lola.

Pinunasan ko naman ang mga luha ko at tumango nalang kay Lola.

Alam kong buhay pa si Jiya kaya hahanapin ko siya, alam kong buhay pa siya.

A/N: See u next chapter

Let The Game BeginTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon