Game 3: What is that sound?

164 9 0
                                    

A/N: Kahit nakakatakot mag isa sa bahay carry ko panaman mag update haha!!

~Jina

3 days na kami dito sa Rest House nila Lance at hindi ko parin natatanong yung about sa papel kaso masiyadong naging busy sa pag handa nang food.

Nag lalakad ngayon ako sa corridor nang bahay nang makita ko si lance na nasa library kaya nilapitan ko naman ito.

"Anu binabasa mo?" Tanong ko sakanya at tinanggal niya naman yung salamin niya.

"Ghost story haha." Sabi niga.

Umupo naman ako sa vacant seat at huminga muna nang malalim bago tinanong yung sulat.

"Lance, may nakita akong sulat sa pang anim na kwarto, ang nakalagay, you can't see me but you can feel me, anu ibig sabihin nun? kaninong kwarto bayun?" Tanong ko.

Sinarado niya naman yung librong binabasa niya at tumingin saakin.

"Actually sa tita ko yung kwarto na yun, yung sulat na sinasabi mo hindi ko alam iyon." Sabi niya.

Napabuntong hininga naman ako at nag pasalamat nalang sakanya bago pumunta nang kwarto ko at natulog.

Nagising naman ako sa isang ingay na kanina pang kumakalabog sa labas. Tumayo naman ako sa pagkakahiga at lumabas nang kwarto at nagulat ako nang nasa labas si Laura at Lin.

"Narinig mo din yun jina?" Tanong ni Lin.

So hindi lang pala ako yung nakakarinig siya rin.

*Boogsh, boogsh*

"Saan nang gagaling yun? What is that sound?" Tanong ni laura.

Tinignan ko naman yung taas at doon ko naririnig yung ingay. Nang paakyat na ako ay biglang tumigil yung ingay.

"Wala na." Sabi ni Lin.

"Baka pusa." Sabi naman ni laura.

Baka nga pusa, bumalik na kami sa kanya kanya naming kwarto at natulog muli.

A/N: Creepy!!

Let The Game BeginTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon