Chapter 10: 1...2...3 Im Waiting

128 7 0
                                    

A/N: :D Hello musta guys?? Eto muna siguro iuupdate ko.

~Lin

Nakaupo kami ngayon sa napakahabang sofa habang nainom ng hot choco.

"Anu po bang nang yari kay katy, yung kaibigan niyo po?" Sabi ko.

Tumayo naman si Lola Karla at may kinuhang litrato sa isang maliit na cabiney at saka muling bumalik at ipinakita saamin ang litrato na may dalawang dalaga na nandito.

Naka asul silang pareho, at ang ganda ganda nila kaso yung isa parang ang lungkot.

"Sino po sila lola?" Tanong naman ni Jina.

"Ako yan at si Katy."

Natigil namam kaming lahat sa pag inom nang hot chocolate sa sinabi ni Lola Karla.

Takang taka kami, dahil sa libro sabi patay na si Katy pero bakit nung dalaga buhay pa.

"Pe-pero sabi po sa librong ginawa niyo ay patay na siya." Sabi ko.

Tumango naman siya at nag ayos nang upo at nag simulang mag kwento.

"Nung mga bata pa kami ay siya na ang pinakamatalik kong kaibigan, hindi ko po alam sa mga oras na yon na sinasaktan pala siya nang tatay niya hanggang sa tumakas siya sa bahay at pumunta saamin para makipaglaro saakin kaso gabi na iyon pero kahit papaano ay pumayag akong makipag laro sakanya hanggang sa..."

Napatigil naman si Lola sa pag kwento at alam naming paiyak na siya.

Hinimas ko naman ang likod niya at ngumiti sakanya.

Hinawakan niya naman ang kamay ko at nag patuloy siya sa pag kwento.

"Nagulat kaming pareho nang makita namin ang tatay niya at hinatak ang bohok ng kaibigan ko at pinag hahampas nito si katy sa puno, wala ako magawa kundi umiyak at sabihing itigil niya na ang ginagawa niya sa kaibigan ko, pinah sasampal niya ito pinagsusuntok at sinakal ka siya sa leeg ng tatay niya at ang huling rinig ko nalang sakanya ay babalik ako karla, maghihiganti ako, nakita ko paano ilibing si Katy at paano kinasuhan nila tatay ang tatay ni katy hanggang sa pumunta kami sa america at dun na muli ako nag patuloy nang aking pag aaral." Putol na kwento ni Lola.

Tinititigan namin siya at parang namamawis siya kahit anlamig lamig.

Anu kaya nang yayari sakanya?

"Lola, bakit po kayo tumigil?" Tanong ni Lance.

"Wala may naramdaman lang ako, Nung matapos ako mag aral ng kolehiyo sa america ay umuwi ako mag isa sa pilipinas at gulat na gulat ako nang may yumakap saaking babae at nakaramdam ako nang ginaw dito, at ang mas ikinagulat ko ay sinabi niyang siya daw si Katy, pero sa umpisa hindi ko siya pinaniwalaan pero may isang salita siyang tumatak saakin na siya yon." Sabi ni Lola.

"Anu naman po yung salitang iyon?" Tanong ko.

"Ang sabi niya saakin ay nag balik na daw siya dahil nangako daw siyang...."

Nagulat naman kami nang napalingon nang mabilis si lola sa likod niya.

Nanginginig siya at halatang takot na takot ito.

Hindi kaya nasundan kami ni Katy dito?

"Lola? Bakit po, anu meron po sa likod niyo?" Singit ni Laura.

"Ahh wala, wala." Sabi ni Lola.

May masama akong kutob na nandito si Katy.

"Sabi niyang nangako daw siyang babalik at nag balik na daw siya hindi para mag higanti kundi para lang daw saakin, patagal nang patagal lagi kaming magkasama kaso hindi ako komportable at hindi ko man lang matanong kung pano siya nag balik hanggang sa nag pakuha kami nang litrato at nalaman kong may kasintahan na siya ang pangalan niya ay si Roel Daltino."

Nagulat kami sa sinabi ni Lola.

"Lance, di-diba papa mo yun?" Kabang tanong ni James.

"Pero wala naman saakin binabanggit si papa na may iba siyang babae noon, sabi niya si mama lamg daw ang unang girlfriend niya." Paliwanag ni Lance.

Nag salita naman si Lola at ipinagpatuloy ang kwento.

"Nang nakuha ko na ang litrato ay nagulat ako sa nakita ko at tumakbo sa bahay niya kaso wala siya doon, tinanong ko rin ang tatay mo sabi niya ay hindi niya daw kilala ang pangalang Katy, kaya takang taka ako sa nangyayari at tinitigan lang ang litratong hawak ko at kinalimutan ko na ang nangyari noon." Sabi ni Lola.

"Nasaan po yung litrato na sinasabi niyo?" Tanong ko.

Tinuro niya naman yung litratong binigay niya saamin at kinuha ko ito at tinitigan namin.

"Wala naman pong kababalaghan dito." Sabi ni Jina.

"Hindi." Sabi ko.

Tinitigan ko nang tinitgan ang litrato at pinunasan ko ang dumi na nasa likod nung kaibigan ni Lola at lahat kami ay nagulat at napalunok.

Buntot at pakpak nang demonyo ang nakikita namin, at hindi mo halatang halata ito dahil parang anino lang ito.

*boogsh*

"Anu yun?" Gulat na tanong ni Laura.

"Kanina niya pa tayo pinag mamasdan habang  nag kwekwento ako." Sabi ni Lola.

Sabi na ngaba eh nandito siya.

Tumakbo naman kami sa kusina at nakaamoy kami nang malansang dugo na ikinatakip nang ilong namin.

At nakita naming may nakasulat sa pader na.

1...2...3 Im Waiting.

"Lin, nag bibilang na siya!!!" Sigaw ni Laura.

Nakaramdam naman ako nang malamig sa gilid ko at nakarinig ako nang boses na alam ko para kay Lola iyon at rinig na rinig ko ang bulong nito.

"Huwag kang mangingielam Karla, ayaw kitang mapahamak."

Nawala naman ang malamig na hangin at kitang kita ko sa mukha ni Lola ang lungkot.

"Tutulungan ko kayo." Sabi ni Lola.

Tumingin naman kami sa isa't isa at tumango kaming lahat.

Ayaw kong may mawala saamin at kailangan din namin si Lola.

"Dalhin niyo ako sa Pinagtutuluyan niyo dahil randam kong doon siya naninirahan."

Panu naman nalaman ni Lola iyon, bahala na nga basta kaligtasan muna ang dapat.

A/N: see u next chapter po, next chapter ibubuking ko na kung sino ang nasa litrato.

Let The Game BeginTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon