Chapter 14: Pieces Revealed

102 6 0
                                    

A/N: Malapit na graduation namin

~Lin

Anu na nangyayari, una si Jiya ngayon si Lance, ayaw ko na ayaw ko na, natatakot na ako, hindi ko na kakayanin kapag may nawala pa saamin!

"Iha huminahon kalang."

"Paano ako hihinahon La, isa isa na dinudukot ang mga kaibigan ko." Taranta kong sabi.

"Walang maidudulot yang takot mo sa pagligtas sa mga kaibigan mo!" Sigaw saakin ni Lola.

Natauhan naman ako sa sinabi niya at napatingin ako sakanya. Tama nga si Lola walang maidudulot ang takot ko sa pag ligtas sa mga kaibigan ko, kailangan ko maging matatag.

Nag patuloy kami sa pag lalakad, hanggang sa marating namin ang dulo at may pinto na doon.

"Bububububuksan ba natin?" Takot na sabi ni Laura.

Tumango tango naman ako at unti unti kong ibinukas ang pinto at may mga nakakalat na libro at litrato.

"Kilala ko itong batang ito ahh." Sabi ni Lola.

May ipinakita naman si Lola na litrato saamin.

Bata na naka ponytail na tirintas, sino naman kaya ito?

"Oo, kilala ko nga siya." Sabi ni Lola.

"Sino ba siya La?" Tanong ni James.

"Nang mamatay si Kate, siya ang naging bago kong kaibigan, siya lahat ng nasasabihan ko, hanggang sa maging dalaga kami siya parin ang kasama ko hanggang sa mga pag kakataong nagkaroon ako ng kasintahan, ngunit bigla nalang siya nawala, ang nalaman ko nalang ay inilipat na daw siya nang bahay." Sabi ni Lola.

"Eh bakit nandito po litrato niya?" Tanong ko.

"Hindi ko alam, pati ako ay nagtataka, baka pinaghihigantihan ni Kate." Sabi ko Lola.

Hindi parin namin alam kung sino ba talaga ang pumapatay, multo ba o tao? Ang gulo, para kaming pinag lalaruan ng tadhana.

"Lin, may itatanung ako saiyo." Sabi ni Laura.

"Anu iyon?" Tanong ko.

Lumapit naman siya saakin at may ibinulong na ikinagulat ko.

"Tuwing nag hahanap tayo, sasabihin mo na may hahanapin ka sa kabila tapos ang tagal tagal mong nawawala."

Ako? May pinupuntahan? Saan naman ako pupunta.

"Huh? Wala akong natatandaan na may pinupuntahan." Sabi ko.

Nagulat naman si Laura sa sinabi ko, namimilog ang magaganda niyang mga mata sa gulat.

"Pero, unaalis ka tapos mayamaya babalik ka tapos badtrip ka then babalik kananaman sa good mood." Sabi ni Laura.

"Oo nga iha." Sabi naman ni Lola.

Ako? P-pero wala akong natatandaan, panu nang yari iyon?

"Ito oh may video ako." Sabi ni Shin.

Kinuha ko kaagad iyon at pinanuod.

"Aalis muna ako, titignan ko kung baka may clue sa kabila." Yan ang sabi ko.

"Saang kabila?" Bulong ni Laura kay Shin.

Mayamaya ay lumabas ako at mayamaya naman bumalik ako at nagulat ako na hindi ko natatandaan bakit ako naging bad trip o ano.

"Wag niyo kong kausapin." Masungit kong sabi.

"P-pero wala talaga akong natatandaan na ganyan." Sabi ko.

Nagulat naman kami nang may bumukas na pader sa gilid ko at may kwarto ito sa loob at napakalaki nito.

"T-tara, huwag nanatin pag usapan yan." Kaba kong sabi.

Tumango naman sila at pumasok kami sa loob.

Maraming mga libro at 3 ang kama at may akyatan malaki ang loob.

May naapakan naman akong isang libro na ikinacurious ko kaya binuksan ko ito.

"Tragic Trauma may cause 2 peronalitu that the person didn't know." Bulong ko.

Napamilog naman ang mga mata ko at binasa ko ulit yung nakalagay.

"2.... personality??" Bulong ko.

"Anu yang binabasa mo?" Naisara ko naman kaagad yung libro at itinapon sa pinaka malayo.

"Nakakagulat ka naman James pati libro naitapon ko tuloy." Kabado kong sabi.

Tumawa naman siya at tumawa rin ako nang kunyare.

"Tara na nga sa taas nandoon na sila ikaw nalang nandito." Tumango tango naman ako.

2 Personality?

Hindi kaya, parang ako?

A/N:  See you next chapter

Let The Game BeginTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon