Lab U, Insan. (Book III)

4.6K 74 32
                                    

PROLOGUE:

“Mom, what do you think?” I asked Mom after wearing my graduation dress. Yes, graduation namin ngayon. Mag-cocollege na ako sa darating na pasukan.

“You look beautiful, baby.” Turan ni Mom. Hinug ko siya and right at that moment pumasok ang kapatid ko na si Cass. Ang forever na mapang-asar ko na kapatid.

“Ate, dalian mo nga. Ang bagal-bagal mo. Kanina pa naghihintay si Dad.” Angil nito sa akin. Bakit ba siya nagmamadali? E hindi naman siya ang gragraduate? I just rolled my eyes on him and grabbed my purse. Sabay na kaming bumaba ni Mom from my room.

“Cass, don’t talk to your sister like that. Do you understand?” saway ni Mom dito. I stuck out my tongue on him. Ha! Napagalitan tuloy siya ni Mom.

“Yes, mom.” Sumunod naman si Cass sa amin after niyang mapagalitan. Sinalubong ako ni Dad pagkababa namin. He hugged me like what Mom did to me.

“Let’s go. Baka ma-late tayo sa program.” Sabay-sabay na kaming lumabas ng bahay para pumunta sa school. Pagkadating namin doon ay medyo marami ng tao, though maaga pa naman talaga. Agad akong pumunta sa circle of friends ko at nakipag-kwentuhan. Hinayaan lang naman ako nila Mom at Dad. Nakasuot na kaming lahat ng toga at hinihintay na lang mag-start ang program.

“Oh my God, Andie! Ang gwapo talaga ng pinsan mo. Sabihin mo na kasi kung may girlfriend na siya.” Turan ng isa sa mga ka-close ko. Argh. Why do they keep asking me kung may girlfriend na ang mokong na ‘yon?

“I really don’t know. Hindi na kami masyadong nag-uusap ngayon. Busy kami pareho.” Pagdadahilan ko dito. Well, wala naman girlfriend si Jake dahil… I don’t know.

“Seriously, Andie? As far as we know, sobrang tight ang relationship niyo with his family? How come hindi na kayo masyadong nag-uusap ngayon?” tanong ng isa pang makulit na ka-close ko. Ang dami naman lalaki dyan pero they’re drolling over my cousin, Jake.

“Nakakasawa din na laging kausap ang iisang tao. Alam niyo ba ‘yon?” sagot ko sa mga ito. They just rolled their eyes on me. Ilang saglit pa ay narinig na namin ang isang boses mula sa speakers.

The program started and ended smoothly. Finally, graduate na ako ng highschool and I’ll jump to another level of my life.

“Mom! Dad!” sigaw ko ng makita sila. Katatapos lang ng program at pinakita sa kanila ang medal. I’m the valedictorian for this batch and salutatorian naman si Jake.

“Congratulations, baby! We’re so proud of you!” sambit ni Mom bago ako niyakap ng mahigpit. Nakisali na din si Dad sa amin. Syempre, hinatak ko ang kapatid ko sa group hug. Kahit naman mapang-asar ‘yan, mahal ko ‘yan at ayokong mafeel niya na lagi siyang left out.

“Patingin nga ng medal mo.” Turan ni Cass. Ininspeksyon niya ang medal na nakasabit sa leeg ko at kinagat. Hahaha! Baliw din ‘to minsan eh.

“Hindi tunay ‘to. Tsk.” Komento nito bago binitawan ang medal ko. Ginulo-gulo ko ang buhok nito. Alam kong ayaw na ayaw niya na ginagawa ko ‘yon dahil nagmumukha siyang bata kahit na bata pa naman talaga siya. Nag-fefeeling mature kasi. Haha!

“Andie!” rinig kong sigaw ni Tita Alexis. Nakakapit ‘to kay Tito Dylan habang nasa likod naman nila si Jake. I stiffened when our eyes met and then he beamed that smile to me.

“Congratulations, Andie. We’re also proud of you.” Bati nito sa akin at niyakap ako. Ganoon din ang ginawa ni Tito Dylan. I put my mask on at hinarap si Jake.

“Congrats.” Sabay na bati namin sa isa’t isa. Natawa na lang kami pareho. Niyakap ako nito at may binulong sa akin.

“Come with me. Tree house.” Usal nito. Pagkakalas niya sa yakap ay nagpaalam ito sa mga magulang namin. Pumayag naman sila dahil hindi rin naman sila nagmamadali. Mukhang may pag-uusapan pa sila. Inakbayan niya ako habang naglalakad kami. Akbay na mag-pinsan at hindi akbay na mag-syota ha?

Pagdating namin sa loob ng tree house ay walang inaksayang oras si Jake. He pinned me behind the door and kissed me… again.

I didn’t respond but I didn’t push him away. I don’t know. Masyado ata akong nagulat sa aggressiveness ni Jake. Hindi naman kasi siya ganito dati.

When he pulled away, my eyes locked into his. Hindi ko talaga mabasa kung ano ang nasa isip niya. He’s very hard to read, kaya nga nagulat ako sa kinikilos niya ngayon.

“Andie… I li—“ Isang katok mula sa pinto ang pumutol sa sasabihin ni Jake.

Followed by a voice…

King’s voice.

“Andie, are you there? Tita told me you’re here with Jake.” 

Lab U, Insan. (Book III) (ON-HOLD)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon