First day of school today at parang ayoko pang bumangon sa kama ko dahil gusto ko pang matulog. I’ve been sleepless for the past nights because of what happened in our mini gathering. Yes, mini gathering ng pamilya namin at ng pamilya ni Jake. Ugh. Hindi ko talaga na-imagine na mangyayari ang lahat ng iyon sa isang gabi lang.
Ilang gabi na rin akong hindi pinapatulog ni Jake. I mean, with all the things that he’s been doing to me, hindi talaga ako makatulog. First of all, the day that he first kissed me. Swear, hindi ako nakatulog that night kakaisip kung panaginip ba ‘yon o hindi. Hindi ko naman kasi ineexpect na gagawin niya ‘yon. Of all people diba? Why it had to be him? How I wished it was King! Ahem. He’s my first kiss! Well, wala naman akong marereklamo sa looks ni Jake, it’s just that, he’s my cousin, FIRST COUSIN. How weird is that?
"Andie! Gumising ka na! You'll be late if you keep lying on your bed. Remember, may practice pa kayo ni Jake para sa welcoming program for the freshmans." sigaw ni Mom mula sa pinto. I pulled myself together as I stood up from my bed. Wait, how did she know about the program?! Hindi ko sinabi sa kanila na kasali ako sa program. Ayaw ko nga sanang sumali dahil alam kong i-papartner na naman ako ng voice coach ko kay Jake. Maganda daw kasi ang blending ng boses namin. At iyon nga ang nangyari kahapon sa session ko. Nandoon din si Jake nang pumasok ako sa voice lessons ko. I knew it. I really do. Kung hindi ko lang talaga mahal ang pagkanta, I'll back out from it, but I really love singing so, I have no other choice.
Dumiretso ako sa bathroom para maligo at para na rin gawin ang morning rituals ko. Tuwing umaga ay nag-prapractice ako sa pagkanta habang naliligo. I even bought my own mic-shaped sponge. Feel na feel ko ang pagkanta habang naliligo. Kaya madalas akong napapagalitan ni Mom dahil natatagalan ako sa pagligo. I was singing Taylor Swift's new song - Red, when I remembered what happened on our mini gathering. It was sunday afternoon, when both my Dad and Tito Dylan decided to hang out at Lolo Jun's house.
*Flashback*
"Ate! Ang tagal mo naman! Mas mabagal ka pa sa pagong, alam mo 'yon?!" Inis na turan ng kapatid ko. Sanay na naman ako sa kanya. Lagi naman siyang nagrereklamo tuwing umaalis kami. Ako kasi palagi ang huling lumalabas dahil natatagalan ako sa pagaayos ng sarili ko. Gusto ko lang naman na maging presentable ako palagi sa harap ng ibang tao no.
"Andyan na!" sigaw ko dito. Hindi ko talaga maintindihan 'tong kapatid ko. He's always rushing me or excited lang talaga siya na makita ang iba namin pinsan. Well, in my case, hindi ako excited. Kung pwede lang magpaiwan, nagpaiwan na ako kaso hindi pwede dahil gusto din kami makita ng grandparents ko. Alam niyo naman ang reason diba? Yes, it’s because of Jake. Simula kasi noon hinalikan niya ako, naiilang na ako sa kanya. Define awkward. How should I deal with that? Sigh. I breathe in and breathe out. I can put my mask on. Wait, dapat ko talagang isuot ang mask ko kapag kaharap ang ibang tao. Baka makahalata sila Mom at Tito. They know that we're really close to each other so it’s really hard for me to pretend. Yes, pretend that nothing happened; pretend that Jake didn't kissed me.
Lumabas na ako ng room ko and I hurriedly ran towards our front door, only to find no one. Nasaan na sila?! Iniwan nila ako? Oh my gosh. Kanino na ako sasabay ngayon? I immediately pulled out my phone from my purse and called Mom.
"Mom! Where are you? Bakit niyo ako iniwan?" Angil ko dito nang sagutin niya ang tawag. I also heard my brother on the background, laughing at me. Argh! Mayron na naman siyang ipang-aasar sa akin.
"Relax, Andie. May susundo sa'yo. He's going to be there in a minute. Okay? Bye, baby. Mag-iingat kayo ha?" I sighed. Wala na rin naman akong magagawa diba? Alangan naman lakarin ko mula dito hanggang sa bahay ni Lolo?