I rushed to Cass’ room first thing in the morning. I cried myself to sleep after what I saw last night. Isa sa mga ayoko ay ‘yon na-fefeel ni Cass na hindi siya part ng family and I hate myself for giving him that feeling. Hindi ako selfish pero may mga bagay talaga na ako ang palaging pinapaboran nila Mom at Dad. I didn’t know what approach I will do to Cass knowing he feels that way to us. Pagkapasok ko sa room niya ay tulog pa siya. Kaya naman, tumabi ako sa kanya at niyakap siya. This is what I used to do when we we’re still small. I always hug him whenever he feels lonely and I want to do this again to him right now. I want him to feel that he’s loved by our parents, by me.
Bigla siyang gumalaw at nagulat ako ng ilayo niya ang kamay ko mula sa katawan niya. Binalik ko naman ‘yon kaagad at niyakap siya ulit. I’m on the brink of crying again pero pinigilan ko. Ayokong makita niya akong umiiyak dahil baka isisi niya sa sarili niya ang dahilan ng pag-iyak ko.
“I love you, little brother. You know that, right? You know that Ate’s here for you, no matter what.” I said to him. He suddenly stood up and went inside his bathroom. Hindi ako susuko. I’ll show him that I love him as much as I love our parents. I won’t let him set himself apart from us. Huwag naman sana siyang mag-rebelde kanila Mom at Dad dahil iba magalit si Dad.
Lumabas na ako ng kwarto niya at dumiretso sa kwarto ko. A plan formed into my mind while searching for a nice pair of jeans. Kailan nga ba kami huling nag-bonding ng kapatid ko? Last year or last last year? Sa tagal, hindi ko na matandaan. Kailangan namin mag-bonding ulit at ‘yon ang plano ko ngayon. Nagmadali ako sa paliligo at pag-aayos. Lalabas kaming dalawa ni Cass sa ayaw at gusto niya. Pagkatapos mag-ayos ay pumunta ako ulit sa kwarto niya at nakita ko siyang nakaupo sa kama at may ka-text. Tumabi ako sa kanya at tiningnan kung sino ‘yon tinetext niya.
“Sino ‘yan?” Usisa ko dito habang nakasilip sa phone niya na pilit niyang tinatakpan.
“W-Wala. Ano ka ba, ate. Psh. Bakit ka nga pala nakabihis?” Balik tanong nito sa akin. I saw him blushed when I asked him who is it. Baka crush niya! Ayiiee. Nagbibinata na ang kapatid ko.
“Is that your crush?” Tanong ko ulit dito. Mas lalong namula ang pisngi niya. Tama nga ang hinala ko. Pinisil-pisil ko ang pisngi niya pero kaagad din naman niyang tinabig ang kamay ko. Ayaw na ayaw kasi nito ang inaasar lalo na kapag tungkol sa crush life niya.
“Psh. Crush ka dyan. Sagutin mo ang tanong ko, ate. May date ba kayo ni Kuya King?” Why is he insisting that I have a date with King? Hindi naman porke’t sinagot ko si King ay puro date na ang nasa isip ko. Kinuwento ko nga kay King ‘yon nangyari kagabi at nag-sorry siya sa akin dahil inaya pa niya ako na kumain sa labas. Sabi ko naman, ok lang. May kasalanan din naman ako.
“I have a date with... you!” He raised an eyebrow at me when he heard what I just said. Ang taray din nitong kapatid ko. I pulled him away from the bed. Tutal, nakabihis na naman siya, mas mabuting umalis na kami ngayon. Magpapaalam na lang ako kay Mom or Dad na aalis kami. Weekend din naman at wala naman kaming gagawin sa bahay kaya, mas mabuting lumabas kami ni Cass.
With my purse on my shoulder, I dragged him straight outside the house. Tinawag ko ang driver namin at sumakay na kami ng sasakyan. While on our way to the mall, hindi pa rin matigil sa pagtetext si Cass. I nudged him and winked at him. He just rolled his eyes on me. Can you believe that? Haha! Marunong pala mag-roll eyes itong kapatid ko.
Nang makarating kami sa mall ay agad ko siyang hinila papunta sa restaurant. Nagugutom na kasi ako at gusto ko nang kumain. Nagpaalam lang kami kanila Mom kanina pagkatapos ay dumiretso na kami dito sa mall without even having breakfast. We both ordered our favorite dish dito sa favorite restaurant namin. Dito kami madalas kumakain as a family tuwing Sundays.