"Ate! Dalian mo!" Sigaw ni Cass na nagpabalik sa huwisyo ko. Dali-dali ko naman tinapos ang pagshoshower ko. Kanina pa pala ako dito sa loob ng bathroom. Paniguradong papagalitan na naman ako ni Mom. After washing myself, I hurriedly walked out of the bathroom and prepared for school. Gosh, I want to sleep again. I noticed the black circles under my eyes when I looked at the mirror. Ano bang gagawin ko dito? Nakakainis. Dati, effortless lang ako sa pag-aayos. Ngayon, kailangan ko na gumamit ng concelear para itago ang eyebags ko.
"Andie! Hurry up! Late ka na for school." Ayan na nga ba ang sinasabi ko. Kinuha ko na 'yon bag ko at tumakbo na palabas ng kwarto ko. Bumaba na ako ng hagdan at dumukot na lang ng tinapay sa table. I kissed goodbye to Mom and Dad before going straight to my service.
"Bye, Mom and Dad." Pagpapaalam ko dito. Agad akong sumakay sa sasakyan. Nauna na pala ihatid si Cass sa school. Wala naman usually ginagawa sa first day of class. Getting to know each other at distribution lang ng syllabus for the semester.
Pagdating ko sa school ay agad akong sinalubong ni King. Nakasandal 'to sa isang bench habang hinihintay ako. Daily habit na kasi niya ang salubungin ako at ihatid sa first class ko.
"Good morning, my angel." turan nito. Shems. Umagang-umaga, pinapakilig ako nitong si King. Ayiiee. Kahit na matagal na niya akong tinatawag na "angel", nandoon pa rin iyon kilig tuwing binabanggit niya iyon.
"Good morning, King." Bati ko dito. Sabay na kami naglakad papunta sa first class ko. Magkaiba kami ng course ni King and Jake. King took IT while, I took Agriculture-related course and Jake? From what I heard, Tito Dylan insisted that Jake should take business course. But I know what he really wants. He wants to take music-related course in Berkley. I didn't know why he took business administration instead of a music course.
Pagkadating namin sa room namin ay nagpaalam na rin ito. Malalate na kasi siya sa first class niya. I can feel the stares of my classmates and not only them, but also my close friends.
"Bye. See you later." paalam nito sa akin bago naglakad papunta sa building nila na hindi naman kalayuan sa building namin.
"Bye! Thank you." Pagkasabi ko noon ay pumasok na ako sa classroom. Nakatitig pa rin sila sa akin. I rolled my eyes on them when I sat besides Maia. In all fairness, I missed my friends. This is one thing that I look forward to when I go to school. I really love hanging out with them even though they’re crazy.
“Uy, Andie. Kayo na ba?” biglang tanong ni Karen. Siya ang captain ng cheerleading squad ng university. Who would have thought that this girl beside me is a cheerleader? Tahimik kasi siya at kung minsan ay may sariling mundo. She’s witty and smart so hindi na ako magtataka kung makukuha siyang captain ng squad. Oh, and by the way, she’s has the most perfect body that I’ve ever seen. Mas maganda pa ang katawan niya sa akin.
“What? Of course, hindi pa. Alam niyo naman na papayagan lang ako ni Dad kapag 18 na ako.” Mabilis na sagot ko dito. Sumingit bigla sa usapan si Maia. Paano ko ba siya i-dedescribe? Palaban? Fierce? Wala siyang inuurungan kahit lalaki. Kung gaano naman ka-girly si Karen ay ‘yon naman ang kabaliktaran ni Maia. She’s sporting a pixie cut hair style and she’s the T-J-S type of girl. Kung magsusuot man siya ng skirt ay once in a very blue moon lang.
“Ha! If I know, matagal mo na siyang gusto sagutin.” Sabat nito. Pinaningkitan ko siya ng mata. Malakas ang instinct nito pagdating sa mga bagay-bagay at magaling din ito magbasa ng isip, kaya kilalang-kilala na niya kaming dalawa ni Karen. Natahimik naman ito bigla nang makita ang itsura ko. She knows better. Kung ayaw niyang ibulgar ko kung sino ang pinaka-hate niyang tao dito sa university. What’s the reason behind it? You’ll know soon. Hahaha!