He eyed us suspiciously. Hindi siguro siya makapaniwala sa narinig niya. Buti na lang at madaling na-pick up ni King kung ano ang gusto kong sabihin. He draped his arms around my waist and kissed my temple. With that, Jake lifted his arms and surrendered before turning his back on us. Ugh! Hindi ko alam kung bakit ako na-guguilty ngayon nang makita ko ang itsura niya. Andie, this is what you want, right? Ang layuan ka ni Jake at maging boyfriend mo na si King? Well, yes. This is what I want. Siguro naman magiging maayos na ang lahat dahil sa nangyari ngayon. Hopefully...
Nang makalayo si Jake ay hinarap naman ako ni King sa kanya. Alam kong kailangan kong magpaliwanag sa ginawa ko. He may misinterpret what I said. Bago pa man siya makapagsalita ay hinalikan ko siya sa pisngi at ngumiti.
“It’s true, King. You’re my boyfriend now. Sinasagot na kita.” I saw how a big smile formed on his face. He hugged me tightly and lifted me up in the air. Nagpaikot-ikot kami ng ilang beses bago niya ako binaba. Hindi halatang tuwang-tuwa siya sa binalita ko sa kanya, no? Hahaha!
“T-Thank you. You don’t know how much it means to me.” Tumango na lang ako. Hinawakan nito ang dalawang kamay ko bago ito hinalikan. ‘Yon guilty na nararamdaman ko kanina ay napalitan ng kilig. Hihi. Wala talagang kakupas-kupas sa pagpapakilig itong si King.
Hanggang sa ihatid niya ako pauwi ay hindi pa rin mawala-wala ang ngiti namin sa isa’t isa. Ganito pala ang feeling kapag nagkaroon ka ng boyfriend. Para kang lumulutang sa saya at kilig na nararamdaman mo. Alam kong ganoon din ang nararamdaman ni King ngayon. Bago niya ako pakawalan ay hinalikan ay nagnakaw pa ito ng halik sa pisngi ko. Syempre, sa pisngi lang pwede. Hihi.
“Good night, my angel. Thank you for making my day extra special. Ikwento mo na lang bukas ang lahat, ok? Magpahinga ka na lang muna ngayon.” Turan nito. Pumasok na ako sa bahay at dumiretso muna sa kwarto ko. I plopped myself on my bed and recalled what happened today. After a while a knock came across my door.
“Bukas ‘yan!” Sigaw ko sa kung sino man ang kumakatok sa kwarto ko. Binaling ko ang tingin ko sa pinto at nakita ko ang kapatid ko na sumilip doon. Mukhang may hindi magandang balita ito sa akin base na rin sa itsura ng mukha nito.
“Ate, pinapatawag ka ni Mom at Dad sa baba.” Sambit nito. Agad naman akong bumangon sa kama at sumunod sa kapatid ko. Why would Mom and Dad call me this time? As far as I remember, wala naman akong ginawang kalokohan sa school or sa kapatid ko. Hmmm. Pagdating ko sa living room ay nandoon si Mom at Dad. With the displeased look on their faces, I know something’s wrong. I sat on the chair across, Dad.
“Where did you go after classes?” Tanong kaagad ni Dad sa akin. Saan nga ba kami nagpunta ni King? Ah, yes. Kumain pala kami sa turo-turo. Naalala ko tuloy bigla ang ginawa niya para sa akin dati. In all fairness, namiss kong kumain ng kwek-kwek at kikiam. Iyon talaga ang pinaka-paborito ko sa lahat. Siniko ako ng kapatid ko kaya bumalik ako sa huwisyo. Bakit kasi ngayon pa lumipad ang utak ko. Nasa harap ko nga pala si Dad at Mom.
“King and I ate somewhere.” Iyon na lang ang tanging lumabas sa bibig ko.
“Is that the reason why you didn’t attend your voice lessons today?” Dad said still with his displeased face. He knows I’ve never missed any voice lessons. I’ve never been absent because I really want to improve my voice. This is actually a first, I think? Yumuko lang ako ng marinig ang tinuran ni Dad. So, it’s true after all? Hindi lang ginagamit ni Jake ang pangalan ni Coach para paglayuin kami ni King? I feel so guilty...
“Andie, your Tita AJ called a while ago and told us about your absence. Sinabi rin niya na pinasabi niya kay Jake na may emergency meeting kayo ngayon. Did Jake inform you about the meeting?” I nodded. Sinabi naman talaga niya sa akin pero binalewala ko at inakusahan ko pa siyang ginagamit si Coach AJ. Mas lalo nadagdagan ang guilty na nararamdaman ko. I need to talk to him.