Chapter Five - Approval

557 19 7
                                    

“Wow, where did the roses come from?” Salubong sa akin ni Mom pagkadating ko sa bahay. Napangiti na lang ako ng maalala kung kanino galing ang mga ‘yon. In fact, sinama ko si King ngayon dito sa bahay.

“Galing kay King. Ang gaganda diba, Mom?” Sagot ko kay Mom. Sakto naman pumasok sa bahay si King. Mabuti na lang at wala pa si Dad. Sesermunan na naman ako nito tungkol sa napagkasunduan namin. He knows that King is interested in me, that’s why he always remind me of the rule.

“Uh, good afternoon, Tita.” Bati ni King pagkapasok niya ng bahay. Niyaya ko kasi siyang mag-dinner dito sa bahay para naman makabawi ako sa ginawa niya kanina. Ang sweet kasi talaga ng ginawa niya kanina. As usual, kinulit na naman ako ng mga friends ko kung ano talaga ang real score sa amin ni King. Well, duh! How many times did I told them that we’re just... What, Andie? Friends with mutual understanding? Yes! That’s it!

“Good afternoon, King.” Masayang bati ni Mom sa kanya. Umakyat muna ako sa kwarto habang si King naman ay nasa living room at kausap ang kapatid ko. They have the same interest by the way. Iyon kasi ngayon ang kinahihiligan ng kapatid ko. I scold him sometimes because he forgets to eat on time. Sometimes, I threaten him that if he doesn’t eat, I’m going to tell Mom to cut off our internet connection (which I think is impossible because Dad needs it).

I changed into a pair of shirt and short and fixed myself so I can be presentable again. Pagkatapos mag-ayos ay bumaba na ako para samahan si King. Seryoso pa rin sa pagkwekwentuhan si Cass and King. It’s a good thing that King can blend easily in our family. Umupo ako sa tabi ni Cass na hawak ang kanyang PSP habang tinuturuan naman si ni King ng mga technique sa game. Dahil hindi ako maka-relate sa kanila ay pumunta na lang ako sa kitchen at tumulong na lang sa pag-prepare ng dinner.

“Cass and King, dinner’s ready.” Turan ko sa kanilang dalawa habang busy pa rin sila sa paglalaro. What’s with boys and video games? Parang hindi kumpleto ang araw nila kapag hindi sila nakakapaglaro ng kahit anong games. Tumayo naman silang dalawa at sumunod na sa akin papunta sa dining area. Nakaupo na kaming lahat at sakto naman pagdating ni Dad kaya kumain na muna siya bago nagpalit ng damit.

“So, I heard... you gave Andie flowers today King. Is it true?” Nagulat ako ng biglang tanungin ni Dad si King. Hindi naman kasi ito madalas magtanong tungkol sa mga ganoon bagay. Tumigil muna saglit sa pagkain si King at mabilis na sinagot si Dad. Medyo nanginginig na ang mga kamay niya. Katabi ko kasi ‘to habang si Cass naman ang katabi ni Mom at syempre, si Dad ang nasa gitna.

“Y-Yes, tito.” I can’t help but smirk with how he answered my Dad. It’s obvious that he’s nervous. Sino ba naman hindi kakabahan kapag kinausap ka ng father ng nililigawan mo diba? Syempre, you have to get him impressed on you.

“Are you serious with my daughter?” I glanced at Dad when he asked that to King. He always asks my suitors if they’re serious with me. Yes, my Dad is very protective when it comes to me. Naiintindihan ko naman siya kung bakit siya protective sa akin.

“Yes, I am.” Diretsong sagot nito kay Dad. Nanonood lang kami nila Mom sa pag-uusap nilang dalawa. ‘Yon kapatid ko? Ayun. Busy sa pagkain. Gusto na kasi niyang matapos kaagad para makapaglaro. Ganyan ‘yan palagi lalo na kapag walang pasok. Ilang saglit natahimik si Dad, si King naman ay naghihintay ng sunod na itatanong sa kanya. Si King ang pinakamatagal ko nang manliligaw. He asked me on my 17th birthday if he can court me and I said yes. The next day, I told him about the agreement between me and my Dad, he said he’ll wait. Sino ba naman mag-aakala na 6 months na ang nakakalipas mula noon sinabi niya ‘yon?

Nang hindi na ulit nagtanong si Dad ay nagpatuloy na ulit sa pagkain si King at pati na rin ako. Medyo kinabahan ako doon ah. Akala ko ay gigisahin niya talaga si King. Pagkatapos kumain ay nag-stay pa ng ilang minuto si King and as usual, si Cass ang kausap niya at hindi ako. Habang naglalaro sila ni King ay may humawak sa magkabilang balikat ko. I looked up and saw my Dad smiling at me. Inikot niya ako at dinala sa may garden at umupo kami doon sa wooden swing.

Lab U, Insan. (Book III) (ON-HOLD)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon