Chapter Two - Imperfection

886 35 22
                                    

Bakit nga ba ako naipit sa sitwasyon na ito ngayon? Ah, ikaw naman kasi, Andie. Sa dami ng sasabayan mo pag-uwi ay ‘yon taong kinamumuhian pa ni Jake. You read it right. Jake doesn’t like King. I don’t know what happened between him and King. Dati naman, close na close kaming tatlo. Magkasama pa nga kaming tatlo na naglalaro sa playground ng subdivision namin. Naalala ko pa nga, pagsapit ng 3 PM ay yayayain ko si Yaya na pumunta sa playground para makalaro ko silang dalawa. Pagkatapos ngayon, ganito na kaming tatlo. The friendship that is once formed and strengthened before is now shattered. A wall is built to keep away one from another.

“Let her go, King. She’s not going home with you.” Matigas na turan ni Jake kay King. Napatingin ako ng masama sa kanya. What the hell?! Sino ba siya para mag-decide para sa sarili ko?! Boyfriend ko ba siya? Suot ko na nga ang helmet na inabot sa akin ni King eh. I then realized that I looked like an idiot for still wearing this helmet on my head. Argh. What’s with them?

“No. She already agreed to my offer and she’s wearing my helmet now.” Sagot naman ni King kay Jake. Napalingon naman ako sa gawi niya at kitang-kita na pinipigilan niya lang ang sarili niya pero halatang galit na din ito. Bumalik naman ang tingin ko kay Jake. He just smirked at King. He slowly paced towards me and removed King’s helmet from my head and he threw it on the ground. I gasped with what he did!

“Hey! Why did you do that? Pwede mo naman i-abot ng maayos sa kanya ‘yon helmet!” I snapped at Jake. Pati ba naman helmet, pinagbubuntunan ng galit? Grabe. Marahas kong tinanggal ang kamay niya sa braso ko pero lalo lang niyang hinigpitan ang pagkakahawak niya sa akin.

“Jake! Let go! Nasasaktan na ako.” Ani ko dito. His expression softened and slowly released my arm from his grasp. Nakita ko pa kung paano niya sabunutan ang sarili niya dahil sa ginawa niya. We really need to talk. Tinanggal ko ang kamay ni King na nakahawak pa rin sa braso ko. I picked up King’s helmet and gave it to him.

“Thank you for the offer King, but I changed my mind. I need to talk to him first.” Usal ko dito. He just nodded at me and returned to his motorcycle and the next thing I heard is his motor’s engine as he roared it to life. Nang makalayo na si King ay tumalikod naman ako para harapin ang isa sa pinoproblema ko ngayon.

Problema. Dati naman, wala naman kaming problemang tatlo. Masaya pa nga kami dati. Dati. Ano nga bang nangyari noon at bigla na lang nagbago ang pakikitungo ng dalawang ito sa isa’t isa? Masyado ba akong na-absorb sa sariling mundo ko kaya hindi ko naramdaman na may nagbago?

I eyed Jake from a far. His both hands are inside his pocket while he sat on the hood of his car. He’s looking straight on the ground. Hindi ko alam kung bakit pero biglang lumambot ang puso ko sa itsura niya ngayon. Alam ko naman na hindi niya sinasadya ‘yon. Nadala lang siya sa galit na nararamdaman niya kay King. Bakit nga ba siya galit kay King? It is for me to find out? O kusa niyang sasabihin ang rason?

I walked slowly towards him and when my distance is an arm length to him, I held his chin and motioned it upwards until his eyes met mine. Then, I felt the world stopped from revolving around us. His eyes speak so much of himself now. I saw sadness, anger and love on his almond brown eyes.

Bigla niyang iniwas ang tingin niya sa akin at ibinaling sa ibang direksyon. Not a smart move, Jake. I already saw everything from your eyes. Bakit nga ba nahihirapan akong basahin ang isip niya? Matalino naman ako. Grumaduate naman ako na valedictorian pero pagdating kay Jake, nahihirapan ako.

Napabuntong-hininga na lang ako at saka inilayo ang kamay ko mula sa mukha niya. Iniwan ko siya doon at pumasok na ako sa passenger side ng sasakyan niya. Ilang minuto pa ang pinalipas niya sa labas bago siya tumayo mula sa hood at pumasok sa driver side. Binuhay na niya ang makina at katulad kanina, ikinabit na naman niya ang seat belt ko. Bakit ko nga ba nakakalimutan mag-seat belt? Sanay kasi ako na sa backseat laging nakaupo kaya hindi ko na kailangan mag-seat belt.

Lab U, Insan. (Book III) (ON-HOLD)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon