Mahal kita, Mahal Mo Siya

3.1K 16 1
                                    

Hindi ko mawari itong aking nararamdaman
Nalulungkot, nasasaktan, ngiti mo'y hindi ako ang dahilan
Mga titig mo'y sa iba nakatingin
Habang ako'y sa 'yo lamang nakatitig

Pilit tinatanggap kahit puso't isipan ko'y hindi matanggap
Ang katotohanang puso mo'y iba ang sinisigaw
Akala ko magkakaroon ng ikaw at ako,
Ngunit ang pag-asa ko'y nagiging malabo

Ako'y hahakbang paatras, hahayaan ka sa piling niya
Dahil alam ko, ang pag-ibig ko sayo'y hanggang dito na lamang
Hangad ko ang iyong kaligayahan
Kahit ako'y iyong hindi pinili

Ako'y susuko sa laban
Pag-ibig ko sayo'y 'di na kayang ipaglaban
Subalit ang pagmamahal ko sayo'y mananatili pa rin
Dahil mahal kita kahit mahal mo siya

***

Hindi ko alam kung bakit habang sinusulat ko ito kanina si Mr. Han Ji-Pyeong from Start-up ang naiisip ko HAHAHA skl

-Bsmsunny

Mga TulaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon