Kaibigan Nga Ba?

329 40 27
                                    

Dedicated to MarielDapula26
Hi, friend! Sana maka relate ka nga haha pasensiya na kung ito lang 'yong naisulat ko. ^^

***

Kaibigan, isang salita at binubuo ng walong letra subalit tapat nga ba?
Hindi mabilang-bilang ngunit lahat ba'y totoo?
Totoo dahil may mabuting motibo?
O, totoo dahil may masamang motibo?

Sabi ng iba, sa mundo ng pagkakaibigan masaya daw kapag marami,
Pero ang tanong, lahat ba'y mananatili at walang umaalis?
Lahat ba'y mapagkakatiwalaan at hindi ka lolokohin?
At higit sa lahat, nakakasigurado ka ba na kaibigan ang turing nila sa 'yo?

Nasaan sila? Noong mga araw na kailangan mo sila?
Masasandalan? Makakapitan? At makakausap? Dumating ba sila?
Isa, dalawa, tatlo kaibigan mo nga ba sila?
Kaibigan nga ba?

Mga TulaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon