Dedicated to TwilightSyria sana magustuhan mo ang munting naisulat ko. ^^
***
Ika'y aking hinahangaan kahit hindi mo mawari
Ika'y aking pinagmamasdan kahit hindi mo pansin
Ika'y aking inspirasyon kahit ito'y patago
Na pilit inililihim itong pagtingin ko sayoKapag ika'y lumalapit ako'y napipi
Kasabay ng puso ko'y gustong tumili
Isipan ko'y ikaw ang sinisigaw
At ang mga titig mo'y nakakatunawAko'y masaya dahil ika'y aking nakikilala
Kahit na malabong magkaroon ng salitang tayo,
Dahil hanggang paghanga lang naman ako sayo,
Subalit ako'y umaasa na sana itong pagtingin ko sayo'y iyong mapansin man lamang