Wikang Filipino

2.7K 0 0
                                    

Wikang Filipino, wika ng bawat Pilipino
Ito'y kayamanan na dapat pahalagahan
At daan ng pagkakaintindihan
Tungo sa maunlad na lipunan

Huwag baliwain, ating pagyamanin
Sariling Wikang Filipino'y ating yakapin
Huwag ikahiya, ating ipagsigawan
Na tayo'y isang dugong Pilipino na may sariling wika

Tayo'y binuo sa wikang meron tayo
Ito'y isang tapat na hangarin ng bawat Pilipino
Matayog na samahan ay makakamtan
Wikang Filipino, wika ng pagkakaisa

Mga TulaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon