Saan ba ako magsisimula?
Kung ako'y palaging tulala
Na tila ba'y nakakulong
Hindi alam, paano susulongBlanko ang aking isipan
Kasabay ng pamamanhid ng aking katawan
Kadalasan umiiyak ng walang dahilan
At palihim na nasasaktanMga katagang gusto ng bumitaw
Sa mundong hindi nahahanapan ng kalinawanagan
Nababalutan ng kadiliman
At sarili'y lugmok sa kapighatian