Diskriminasyon

16.6K 71 49
                                        

Ang ating mundo'y nababalot ng panlalait
Hindi pantay-pantay ang pagtatrato sa kapwa
Na nagdudulot ng pagkabagsak ng bawat isa,
Ito'y masama, kapwa natin ay naapi

Diskriminasyon, isang salita subalit libo-libo ang naapektuhan
Nalulungkot at nasasaktan, emosyon na ating nararamdaman
Inaapakan at binabalewa sitwasyon na ating nakikita
Hanggang kalian ito matitigil kung patuloy itong nararanasan

Magkaiba man ang ating kulay, lahi, seksuwalidad, at estado sa buhay
Ngunit hindi ito basehan para tayo'y husgahan
Tayo'y tao lamang na may indibiduwal na pagkatao
Tanggapin ang bawat isa ng sa gayun lahat magkaisa

Iwasan ang mali, gawin ang tama
Ituwid ang kabutihan, Itapon ang kasamaan
Huwag manlait bagkus mahalin ang isa't-isa
Ito'y aksyonan, karapatan ay makakamtan

Panahon na upang ito'y baguhin at ayusin
Sa mundong puno ng panghuhusga
Walang maiiwan, lahat sama-sama
Isang layunin, diskriminasyon ay tigilan

Mga TulaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon