v. Who's Elijah

39 9 6
                                    

HIM

"Namuti na ang buhok ko kahihintay." ang parati kong naririnig sa klase kapag magbibigay ka ng mga example. S'yempre bilang taong pinanganak na kotrabida, palagi kong pinipilosopo ang mga ganitong bagay. But right now,  kung kailan pa ako tumanda, saka ko lang nakikita 'yong sense no'n. Because I can clearly see myself having a white hair while looking blankly at this white piano.

I look stupid and weird. I'm just sitting here in front of the  grumpy keys and no plans. Para lang tuloy nasayang ang energy ko sa paglalakad papunta dito.

Bulang…

"Sabi ko na e, dito lang kita mahahanap."

I snapped out when I heard her voice. Kapag pinanganak ka nga namang malas sa mundo, kung sino pa 'yong taong ayaw mong makita, 'yon pa ang nakikita mo.

"Hoy!" Hinawakan niya ang balikat ko kaya para akong nakuryente sa gulat. "OA?"

For a second, I saw her on my peripheral vision. Sinilip niya ang mukha ko na s'ya namang harang ko gamit ang braso ko. Pa-simple kunyare akong humalumbaba para 'di niya makita ang mukha ko. I still don't know how to face her ugly face.

"What the fuck are you doing here?" I uttered coldly.

"Hinahanap ka nga."

"Bakit mo 'ko hinahanap?"

Hindi siya 'agad nakasagot, mukhang nag-iisip. "Hindi ko rin alam." Mahina siyang napatawa.

"Bulang."

After the night na gumawa siya ng eksena, ngayon na lang ulit kami nagkita. Hindi dahil busy ako sa mga therapies ko at iba pa kundi dahil wala akong lakas na harapin siya pagkatapos ng lahat ng mga sinabi ko no'ng gabing 'yon.

"Bolang sabi 'yon." Hindi ko pinansin ang sinabi n'ya.

Matangkad ako pero para akong nanliit sa sarili ko. I never thought that I will be so cringey. Never in my life I imagine that a man like me would be in that situation. That moment, I thought I can surpass those korean actors na halos kabaliwan na ng mga babae sa ka-romantican. Pero kung sila romantic, siguro ako lumintik.

Lintik na 'yan.

"Ano'ng ginagawa mo?" She sounded sweet and lively. You won't even know that she's struggling inside.

"The answer to your question is obvious," I answered as I fake my hand playing the keys.

"Kinakabahan ka 'no?"

Biglang nanlamig ang pawis ko. Halata ba ako? Halata bang kinakabahan ako ngayon? Halata bang iniiwasan ko siya?

"Halata, kinakabahan ka."

"No."

"Uy, kinakabahan!" Tinusok-tusok pa niya ang bewang ko. "Aminin mo na kasi--"

"Hindi nga sabi!" Tumaas ang boses ko habang hindi pa rin siya hinaharap. "Bakit naman ako kakabahan sa isang bulang na katulad mo? And that c-confession? I-It's j-just a prank."

With interval of almost five second, I heard her bursting into laughter with no reason.

"Alam mo, hindi ko alam," tumatawa niyang saad. "How can you be cold and funny at the same time?"

Wala sa sarili akong napatingin sa kaniya. "Ha?"

Tinawanan niya lang ako. Halos hindi ko na ma-identify kung na saan ang mata niya. Nang humupa-hupa ang pagtawa niya, saka lang s'ya nagsalita.

"Ang ibig kong sabihin, kinakabahan ka para sa operation mo bukas." Sinapo niya ang kaniyang noo.

It's too late. Sa ikalawang pagkakataon, nailagay ko na naman sa kahihiyan ang isang Ludwig Heall.

Unparalleled Joy | COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon