07

244 7 0
                                    



"Let's just go home, Tom. Lasing ka na." I told him.


"You're jealous of me and Gwen? Why?" He asked with his brows furrowed.


I sighed. "I like you, okay? I like you and normal lang naman siguro na magselos ako because I have feelings for you." Paliwanag ko.


"You like me?" He asked again.

Tumango ako. Ngumiti siya sa akin at umayos ng tayo kaya medyo napatingala ako sa kanya. He's looks really drunk, marami ba siyang nainom? Tumayo ako at nagulat nang lumapit siya sa akin, he put his hands around my waist and lean towards me, I was shocked when I felt his lips on my forehead.


"Don't do that again," he said. "Tell me if may nagawa ako, wag mo akong layuan."


I smiled at him before nodding. "I'm sorry," I said.


"It's okay. Now, let's go home."


He left his car to Aries because he's sleepy na daw and he can't drive na, si Jenwel na lang daw ang pagddrive-in nito ng kotse ni Tom dahil may dala rin siyang kotse. Yung kotse ko ang gamit namin ni Tom. On our way to his condo, he's really sleepy but he tried his best to stay awake.


"You can sleep, we're still far pa," sabi ko sa kanya.


Umiling siya. "I'm good. Ali, what's between you and Drake?" He asked me.


"We're just friends," Sagot ko.


"You don't like him?" Tanong niya. I shook my head. "Sus. Gusto mo rin siya, no?" Sarkastikong sabi niya pa.


"Hindi nga! Kulit mo. Ikaw ba? Gusto mo si Gwen, no?" Tinaasan ko siya ng kilay. Loko 'to, mukha ba akong two-timer?


He shook his head aggressively. "No! She's just a friend," Sabi niya. I just smirked. "Bakit? Selos ka?" He faced me.


Umiling ako. "No. Magsama pa kayo," I pouted. Alam naman niyang nagseselos ako, bwisit.


"Okay. Pero ako nagseselos ako sa inyo ni Drake," seryosong sabi niya at halos matigilan ako habang nagddrive.


Napatingin ako sa kanya. Wala na masyadong sasakyan sa daan, halos kami na nga lang yata ang nasa daan. Agad kong binalik ang paningin ko sa kalsada at tumikhim. Did I heard it right? Sinabi niya 'yon? Pero bakit naman siya nagseselos?


"What do you mean? Wala namang nakaka-selos doon," Sabi ko sa kanya.


Hindi siya sumagot hanggang sa makarating kami sa condo niya. Hinatid ko siya hanggang sa unit niya and I didn't expect na papapasukin niya pa ako. I observed his unit, it's so clean and organized. He sat on the sofa while resting his head on the back rest, he looks really sleepy.


"I'll go home na so you could rest," I told him.


He opened his eyes and looked at me. "Stay here," he said. "I.. don't want to be alone, kahit ngayong gabi lang."


My lips parted. "Uh.. are you okay?" Tanong ko.


Tumango siya. "I guess.." he replied, almost a whisper. "Alisson, how did you handle the pain that your family gives you?" He asked me.


Napataas ang pareho kong kilay dahil hindi ko inaasahan ang tanong niya. May problema ba sila ng pamilya niya?


"What happened?" I asked him and sat beside him. He let out a sigh while staring on the ceiling.


If Hearts Will Tell (Heart Series #2)Where stories live. Discover now