28

262 4 2
                                    



"Saan ka ba galing kagabi?" Tanong ni Trina.


I'm not feeling well right now. Angsama ng pakiramdam ko. I was lying on my bed habang may inilagay si Trina sa noo ko. Nung umuwi ako kagabi, umiyak ako nang umiyak. Hindi ko na rin maintindihan ang mga nangyayari. I want to run away. Gusto kong tumakbo palayo sa kanilang lahat.


"Angtaas ng lagnat mo. Magpahinga ka muna." Trina said.


Tumango naman ako at hindi na nagsalita. Lumabas siya sa kwarto ko at naiwan akong mag-isa. Sobrang bigat ng pakiramdam ko. Masyado yata akong napagod kahapon. I sighed before reaching for my phone. I receive a text from Nicole, magkikita sana kami ngayon pero sabi ko, hindi ako makakasama because I have a fever.


Pumasok si Janna, may dalang soup, tanghali na rin pala. Pinuntahan nila ako dahil may photoshoot dapat ako pero dahil may sakit ako, na-cancel. Nilagay niya iyon sa tabi ng kama ko saka umupo sa kama ko. Inalalayan niya akong maupo. Sumimangot ako nang subuan niya ako, she gave me a confuse look.


"Ako na," nakasimangot na sabi ko.


Hinayaan naman niya ako. Tumayo siya at naupo sa chair na nasa loob ng kwarto ko at nagscroll sa phone niya. Ako naman ay kinain na ang dala niya. May dala rin siyang gamot at tubig para makainom ako after kumain.


"Anong oras ka ba umuwi kagabi? Saan ka galing? We've been calling you last night pero hindi ka sumasagot," sabi ni Janna.


I looked at her. "Dumeretso ako sa bahay ng parents ko then umuwi ako dito... tapos ibabalik ko sana yung jacket ng ex ko pero nagtext yung kaibigan ko because his father passed away kaya pinuntahan ko siya... tapos ayon, saka ako pumunta sa ex ko para ibalik yung jacket niya." Mahabang sabi ko bago magpatuloy sa pag kain.


She looked at me, sandali siyang napatitig sa akin. "Then? Umuwi ka na after mo ibalik o may nangyari pa?" She asked.


Muntik na akong maibuga ang nasa bibig ko. Agad akong uminom ng tubig dahil nasamid ako!


"Wala! Inaya niya lang akong mag-dinner," nakasimangot na sabi ko.


She laughed. "Oh, bakit mukhang dismayado ka pa?" Natatawang tanong niya.


Kumunot ang noo ko. "Anong dismayado? Hindi, no!" Sabi ko.


Bahagya siyang napailing. "Dinner with ex pa, ayan, lagnat ka tuloy." Pang-aasar niya pa!


Sumimangot ako at nagpatuloy na lang sa kinakain ko. Uminom ako ng gamot pagkatapos kumain at nagpahinga na ulit. I took a nap nung hapon and nagising ako before dinner. Wala na si Janna and Trina dahil marami pa silang kailangang gawin kaya naiwan na ako dito.


Naghahanap ako ng pwedeng lutuin nang may biglang kumatok sa unit ko. Naglakad ako papunta sa pinto at binuksan ito. Napataas ang kilay ko at napaawang ang labi ko nang makita si Tom. He's still wearing a white polo and a necktie, a pair of black slacks, and shoes. May dala pa syang bag and nakasuot rin ng specs.


Mukhang kagagaling niya lang sa firm. May coat pa siya na hawak. He looked at me, worried. Agad siyang lumapit sa akin para yakapin ako. Hindi naman ako makaganti ng yakap dahil sa gulat. He let me go before kissing my forehead.


"Why... are you here?" Tanong ko. Pinapasok ko na rin siya dahil baka may makakita pa sa kanya sa labas.


Dumeretso kami sa sala, ibinaba niya ang bag niya at coat. He also rolled up his sleeves hanggang sa elbow niya. Niluwagan niya rin ang necktie niya habang nakatingin sa akin.


If Hearts Will Tell (Heart Series #2)Where stories live. Discover now