34

271 6 0
                                    



"Get ready. We're going to London tomorrow." Trina said. "You're staying there for one week, then, we're going to Paris for the Fashion Week."


Bukas na agad ng alis namin. Dapat sa susunod na linggo pa pero napaaga dahil sa issue. Hindi ko pa rin nakakausap si Tom. Hindi ko alam ang sasabihin ko sa kanya... nahihiya ako, wala na akong mukhang maiharap kay Tom. Bumalik yung galit ng mga tao sa tatay niya, pati siya nadadamay sa galit ng mga tao. Hindi ko mapigilang sisihin ang sarili ko.


Yung hospital... maraming nagdududa. They are doubting how our hospital became the biggest hospital in the country. They are doubting what my parents did. And Drake... may mga masasama rin silang sinabi kay Drake. They say that he's not a good doctor... that he's 'martyr' for still being my friend.


Hindi ko rin masabi kay Tom na aalis na ulit ako. Hindi ko pa alam kung kailan ako babalik, at kung babalik pa ba ako.


I was planning to live here again but this happened...


"Anong nangyari sa pinag-usapan niyo ng mommy mo?" Trina asked.


Napatingin ako sa kanya. "Galit si mommy... Galit na galit." Sumikip ang dibdib ko.


Maghapon lang akong nakatulala dito sa condo, hindi ko alam ang gagawin ko. I can't go outside... My friends are trying to reach me pero hindi ko sinasagot ang mga tawag nila. I don't want to talk to anyone. Napatitig sa akin si Trina at hindi na muling nagsalita. They were with me simula pa kahapon, they didn't leave my side.


I sighed when my phone rang. It's Tom. I took a deep breathe before reaching my phone. Napatitig pa ako sa screen ng phone ko bago ito sagutin.


[Mahal? Thank God sinagot mo rin ang tawag ko. How are you? I'm sorry hindi kita mapuntahan ngayon. Kagabi pa kita tinatawagan pero naka-off yung phone mo] He said. I didn't talk at napatitig na lang sa kawalan. [Mahal?]


I pursed my lips. I couldn't talk. May nagbabara sa lalamunan ko, nanlalabo na rin ang paningin ko. I heard Trina's sigh kaya napapikit ako at doon tumulo ang mga luha ko.


[Do you want something? I'll go there if you want. Tell me what do you want. Mahal? Why aren't you talking?] Tanong niya. [Mahal, magsalita ka naman... tinatakot mo ako, e] He let out a forced chuckle.


Huminga ako ng malalim bago magsalita. "Wag... Wag ka na munang pumunta dito. Hindi pwede... delikado. Tom, saka na tayo mag-usap. Nahihiya pa rin ako sayo... I'm so sorry for letting this happen. I'm sorry and I want you to k-know that I love you... always." sunod sunod na sabi ko.


Sandali siyang natahimik. [Hey, it's not your fault so don't say sorry. I'm okay, mahal, so don't be sorry] sabi niya naman.


Why does his voice says the opposite? He's pretending that everything's fine. I don't like it. I took a deep breathe and tried to speak again. Tama na muna. Pagpahingahin muna namin ang sarili namin.


"Are you... okay, mahal?" He asked.


"Yeah. I'm okay. Let's talk na lang later, ha? I still need to do something." Sabi ko.


"Alright. Text me if you need something or what. I love you." He said.


I took a deep breath. "I love you," I said before ending the call.


I stood up before wiping my tears away. I'm not in the mood to do anything but I need to pack my things for my flight tomorrow. Sobrang bagal kong kumilos. They just called me nung kakain na kami ng dinner. Hindi pa ako tapos magimpake dahil marami ang dadalhin ko.


If Hearts Will Tell (Heart Series #2)Where stories live. Discover now