Chapter Four

61 6 0
                                    

Rupert Chan

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Rupert Chan

...

R I C K

"Good morning mom, dad." Pagbati ko sa kanila nang maabutan ko silang kumakain ng breakfast. I just finished taking a bath. I occupied the seat beside mom while dad is on the center seat.

"Good morning, Hendrix." Pagbati pabalik sa akin ni mom. Dad just grinned at me and continue reading the newspaper he's holding.

Nangunot ang aking noo nang wala sa dining namin si Rupert. He was supposed to eat breakfast with us, like we used to before.

"Where's Rupert, mom?" Muling pagbaling ko ng atensyon kay mom.

Sumimsim muna siya sa kanyang tsaa bago ibaling ang tingin nito sa akin. She also wiped her lips with table napkin before answering.

"I don't know. Is he supposed to eat breakfast with us?" Mas lalong nangunot ang aking noo sa naging sagot ni mom. Did she just forget that Rupert is always eating with us?

"Yes." Maikli kong tugon sa kanya.

Napailing-iling na lamang ako sa nangyari. I can't believe that everything already changed.

"Nevermind." Tanging nasambit ko bilang pagsuko. Napabuntong-hininga ako bago magsimulang kumain ng breakfast.

I need to be fast dahil kailangan kong pumunta sa university na pagmamay-ari ni lolo. Kailangan kong magpa-enroll for this school year's semester. I know I am too late for enrolment, but knowing my lolo is the owner of that university efface my worries.

Nang matapos ako sa pagkain ay bumalik muna ako sa aking kwarto para kunin ang phone ko. I dialled Rupert's phone number to inform him na sumabay na lang sa akin papuntang university. Total sa iisang lugar lang naman ang punta namin. Besides, kapag doon na ako nag-aaral ay araw-araw na kaming magkakasabay.

I dialled his number again nang hindi niya ito sagutin. Marahan kong sinara ang pinto ng aking kwarto nang makalabas ako. Tinahak ko ang hagdan pababa habang patuloy pa ring tinatawagan ang numero ni Rupert.

Why is he not picking up my call?

Napakagat ako sa aking labi nang matanaw ko si Rupert mula sa main door. Sinuksok ko sa bulsa ang aking cellphone at mabilis na naglakad palabas ng bahay.

"Good morning po sir." Magalang na pagbati sa akin ng naghihintay na driver sa harap nitong bahay. Hindi ko siya pinansin at nanatiling nakatuon lang ang atensyon kay Rupert.

"Ruru!" Tawag ko sa atensyon niya. Huminto siya sa paglalakad bago lingunin ako. Tulad kagabi ay blangko pa rin ang ekpresyon ng kanyang mukha. Nakasuot na siya ng isang black and white stripes polo shirt at mukhang handa nang pumasok. Right timing ka talaga, Rick!

Nakangiti ko siyang nilapitan. Magsasalita na sana ako upang yayain siya sa aking balak ngunit naagaw ang atensyon ko sa suot niyang ID. Naging mabilis ang aking kamay at inabot ito ngunit naging maliksi rin siya at agad na nabawi sa aking kamay ang ID niya.

Rainbow SunsetTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon