Chapter Five

34 2 0
                                    

Louis Fernandez

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Louis Fernandez

•••

K I K O

Napahawak ako sa ulo ko nang magising dahil sa maingay na tunog ng aking alarm. Papungas-pungas pa ako ng mata nang abutin ko ang cellphone ko sa ibabaw ng maliit na mesa upang patayin ang alarm.

5 AM.

Kahit mabibigat pa ang talukap ng aking mata dahil halos tatlong oras lang ata ang naging tulog ko ay pinilit ko nang bumangon. Pagkauwi ko kasi galing trabaho ay kinailangan ko pang mag-review ng ilang oras bago natulog. Isa akong working student. Pumapasok ako sa eskwela ng umaga at pagkasapit naman ng gabi ay nagtatrabaho ako bilang waiter sa isang bar. Kailangang mag-doble kayod dahil sa hirap ng buhay ngayon. Wala kang ibang pwedeng asahan kundi ang sarili mo lang.

Pagkatapos kong maayos ang aking higaan ay tumungo na ako sa kusina upang maghanda ng almusal. Nag-init muna ako ng tubig bago hinanda ang mga rekados na lulutuin ko.

Halos patapos na rin ako sa ginagawa nang mapansin ang pagpasok ni lola Nympha sa kusina.

"Magandang umaga po lola." Nakangiti kong bati kay lola ngunit agad ring napawi ang ngiti ko nang mapansin ang tali sa noo niya. Napansin ko rin ang pagiging matamlay nito.

"Ayos ka lang po ba 'la?" Pagtatanong ko. Nilapag ko sa mesa ang dalang dalawang tasa ng kape tsaka inalalayan siya sa pag-upo.

"Medyo masama lang ang pakiramdam ko. Huwag mo akong intindihin hijo. Mag-almusal ka na lamang diyan at baka mahuli ka pa sa eskwela."

Sinunod ko na lamang ang sinabi ni lola. Mabilis akong natapos sa pagkain at agad na ring naligo. Napapangiti na lamang ako habang tinititigan ang hitsura ko sa harap ng salamin. Magaala-sais na nang matapos ako sa pagbibihis.

"Aalis na po ako lola." Pagpapaalam ko kay lola. Naabutan ko siyang nagbabasa ng diyaryo sa harap ng mesa. Napalingon ito nang mapansin ako.

"Oh! Mag-iingat ka ha. Huwag pababayaan ang sarili. Mag-aaral ng mabuti." Napangiti ako sa muli niyang pagpapaalala sa akin. Sa tuwing aalis kasi ako ay 'yan palagi ang sinasabi niya.

Bahagya akong lumapit kay lola upang halikan siya sa pisngi.

"May gusto po ba kayong pasalubong lola?" Nakangiti kong tanong.

"Hay naku! Huwag ka nang mag-abala pa." Pinaypay nito ang kamay at bahagyang umiling-iling. Pagak akong napatawa. Kahit naman tumanggi siya ay palagi ko siyang dinadalhan ng pasalubong sa pag-uwi ko.

Rainbow SunsetTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon