Prologue

132 7 1
                                    

Nakangiti akong sumampa sa naghihintay na puting van na aming sasakyan papuntang Tagaytay. Me and my friends planned this trip a long time ago and finally our most awaited day came. Hindi mapawi sa aking labi ang saya dahil bukod sa kasama ko ang buong barkada ay makakatabi ko rin sa byahe si Liam. This seems will going to be so much fun.

"Excited much, Niel?" Mapaglarong pang-aasar ni baklitang Louis sa akin nang makapasok ako sa loob.

Hindi ko na lang pinatulan ang pang-aasar ng isa kong kaibigan imbes ay sinuklian ko na lamang siya ng mas matamis pang ngiti bago ibaling ang tingin ko sa nakatingin din sa aking si Liam.

"Hi Liam! Ang gwapo natin ngayon ah." Saktong pag-upo ko sa tabi niya ay pinatong niya ang kanyang braso sa balikat ko. Parang may boltahe ng kuryente na dumaloy sa sistema ko dahil sa ginawa niya. Mas lalong lumapad pa ang ngiti niya bago sumagot.

"Bolero ka talaga kahit kailan but thanks anyway."

"Hindi ah! I'm just stating the obvious." Tanging hagikhik na lamang naming dalawa ang naging aming tugon. Okay na sana ang lahat nang hindi lang sana sumapaw si Ashley sa pagmo-moment namin ni Liam.

"Naku ha! Konti na lang talaga pagkakamalan ko na kayong mag-jowang dalawa. May paakbay pang nalalaman eh." Napaikot ako ng aking mata sa kanyang sinabi. Imbes na alisin ang kamay ni Liam sa balikat ko ay pinagsalikop ko pa ang kamay naming dalawa.

"Inggit ka lang."

"I think it's normal to guys. Right, Niel?" Tila inosenteng sagot ni Liam. Saglit pa siyang tumingin sa akin na parang humihingi ng isang klaripikasyon mula sa akin.

"Buti kung guy talaga 'yang si Niel." Akala ko nanahimik na ang baklitang 'to sa pang-aasar sa'kin, hindi pa pala.

Bakit kaya ang hilig ng dalawang 'to na asarin ako? May galit ba sila sa akin? Bakit hindi na lang nila ako suportahan sa mga bagay na makakapagpasaya sa akin? Mabuti pa 'tong si Rupert may sarili lang na mundo habang nagmamaneho.

Tulad kanina ay hindi ko na lang pinansin ang pang-iinggit ng dalawa kong kaibigan sa akin. Mas itinuon ko na lang ang atensyon ko sa pagnanamnam ng pagkakataon na makatabi ko ng matagal si Liam.

Well, ang masasabi ko lang sa lalaking katabi ko ngayon, siya 'yung tipo ng lalaki na mabait, maalalahanin, may dignidad sa sarili, at magalang sa mga tulad ko. Basically, pasok ang mga traits niya sa lalaking hinahanap ko.

Sa panahon kasi ngayon, bihira ka na lang talaga makakahanap ng lalaking may gano'ng ugali. Ang ibig kong sabihin, karamihan na kasi ngayon dahil sa hirap ng buhay ay ginagamit na lang ang mga tulad ko para magkaroon ng pera at makalabas na din ng libog sa katawan. Mabuti na lang talaga, iba itong si Liam.

Makalipas ang ilang oras ay narating na namin ang Tagaytay kung saan kami magka-camping trip ng barkada. Napili namin ang lugar na 'to bukod sa malamig ang klima ay malapit lang sa Maynila. Less hussle kumbaga. Matagal na naming binalak na bago kami grumaduate ng senior high school ay magkakaroon kami ng isang camping trip na magiging parte ng masasayang oras na magkakasama kami. Kaya ito kami ngayon, tinutupad ang pangako namin para sa isa't-isa.

Malalim akong napabuntong-hininga nang matapos naming dalawa ni Liam ang pagtatayo ng tent na aming tutulugan mamaya. Magkasama kami ni Liam sa iisang tent, at ang tatlo ko namang kaibigan ay tig-iisa namang tent. Ayos lang sa akin na may ka-share sa tent as long as si Liam 'yun.

Medyo napagod pero ayos lang, katulong ko naman si Liam. Ang sweet niya nga sa'kin kanina kasi bigla niya na lang pinunasan 'yung pawis ko sa noo. That's a sweet gesture of him na magiging parte ng cherish moment ko with him.

"Laban para sa ekonomiya!" Napatawa na lamang kaming lahat nang malakas na sumigaw si Ashley habang nakataas ang kamay na may hawak ng lata ng beer. Halatang lasing na lasing na ito dahil sa pagiging madaldal niya. Namumula na rin ang mukha niya na tinatamaan ng liwanag ng bonfire na pumapagitna sa amin. Samantalang sina Louis at Rupert ay tahimik lang sa isang tabi.

Wala naman kaming masyadong ginawa para ngayong araw pero ramdam ko na ang pamimigat ng talukap ng aking mata. Awtomatikong napahikab ako dahil sa unti-unting pagsakop ng antok sa aking sistema.

"Sleepy?" Napalingon sa akin si Liam nang madinig ang paghikab ko. Dahil sa antok ay tanging tango na lamang ang aking naging tugon sa kanya. Hindi ko inasahan ang sunod niyang ginawa. Parang bula na nawala ang aking antok nang maingat niyang ipatong ang ulo ko sa kanyang balikat. Lihim akong napangiti sa simpleng akto niya na labis na nagdala ng kilig sa aking katawan. Para lang akong nakasandig sa malambot na unan kahit na sa totoo ay tila isang bato ang katawan niya dahil sa palagian niyang pag-eehersisyo sa gym.

Aksidenteng napabaling ang tingin ko kay Louis nang mapansin ko ang pagtitig niya sa amin bago ko tuluyang ipikit ang aking mga mata.

Naalimpungatan ako mula sa pagtulog nang madinig ko ang pagbukas ng zipper ng tent. Wala ako sa sariling napatingin kay Liam nang lumabas siya sa aming tent. Papungas-pungas ako ng aking mga mata na bumalik sa pagtulog at hindi na lamang pinansin ang pag-alis niya. Baka naiihi lang. Ang balak ko sanang pagbalik sa pagtulog ay naudlot nang madinig ko ang boses niya na may kausap sa labas. Napakunot ang aking noo nang mapagtanto ko kung sino ang taong kausap niya.

Maingat akong bumangon sa aking pwesto at mas tinalasan pa ang aking pandinig. Habang tumatagal ay parami ng parami ang namumuong mga katanungan sa aking isip kung bakit magkausap sina Liam at Louis ng ganitong oras ng gabi.

Muli, ay maingat kong binuksan ang zipper ng tent upang silipin silang dalawa. Mabuti na lang ay nahagip pa ng aking tingin ang paglakad nila patungo sa kakahuyan.

"Saan sila pupunta?" tanong ko sa sarili ko bago lumabas sa tent.

Maingat ang aking bawat hakbang na huwag lumikha ng ingay na maaaring umagaw sa kanilang atensyon. Ayoko mang maniwala sa mga spekulasyon na namumuo sa aking isipan ay hindi ko mapigilan dahil hindi ako isang bata na inosente para hindi malaman ang susunod nilang gagawin. Gusto kong huwag maniwala sa hinuha ko. Gusto kong huwag sila sundan pero ito ako, kusang gumagalaw ang katawan na alamin ang balak nila.

Napatigil ako sa pagsunod sa kanila nang tumigil sila sa paglalakad. Awtomatikong gumalaw ang aking katawan at nagtago sa aking pwesto nang napalingon sa gawi ko si Louis. Medyo malapit lang ako sa pwesto nila kaya naririnig ko ang sinasabi nila.

"Sigurado ka bang walang makakakita sa atin dito?" halos pabulong na tanong ni Liam.

"Tanga ka ba? Madilim na dito sa pwesto natin. Tsaka panigurado, mga tulog na ang mga 'yun. Hindi na nila tayo mapapansin dito."

Wala na akong nadinig matapos magsalita ni Louis kaya naman ay pinili kong silipin muli sila. Ngunit para ata akong binagsakan ng langit at lupa nang masulyapan ko ang pwesto nilang dalawa. Si Liam ay nakatayo paharap sa nakaluhod na si Louis.

Nanghihina ang aking tuhod na napaupo sa aking pwesto. Takip-takip ang aking bibig habang patuloy na dumadaloy ang luha ko na ang dahilan ay ang lalaking buong akala ko'y iba sa lahat, ngunit nagkamali pala ako.

Rainbow SunsetTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon