Shy Niel Perez
•••
N I E L
"What took you so long?" Mabilis na napawi ang ngiti ko nang mabungaran ko si Jericho sa labas ng kotse habang prenteng nakasandig sa bumper ng sasakyan.
"I have classes to attend, obviously." Sarkastiko kong sagot sa kanya at inirapan siya. Hindi ko na siya narinig pang magsalita kaya naman ay kusa na akong pumasok sa loob ng kotse. Seconds later ay sumunod na rin siya.
"Dad's been calling me because of you." Sambit niya habang binubuhay ang makina ng kotse. Halata sa boses niya ang pagkainis. Maybe he's already been waiting me for an hour or more. Well, I don't care.
Awtomatikong natuon ang tingin ko sa rear mirror dahil doon.
Seriously? It's just 7PM for pete's sake.
"Where have you been, Niel? Your last class is 5PM. What did you do after?" Dahan-dahan kong naikuyom ang kamay ko dahil sa pagkarindi sa patuloy na pagsasalita niya. Baka hindi niya alam na alam ko ang mga kalokohan na mga ginagawa niya. It's just a waste of enery na makipagbangayan sa kanya sa mga walang kwentang bagay.
"Cut the crap, Jericho. I had some important stuff to finish." Pagdadahilan ko para tumigil na siya sa pag-iisip ng kung ano-ano.
"On the first week of class?" Muling hirit niya. Hindi ba talaga ako titigalan ng pa-epal na 'to? He's getting into my freaking nerves.
"Ano bang gusto mong mangyari?" Pagkompranta ko sa kanya. I even moved my upper body forward just to get his attention. Palagi na lang ba siyang ganyan?
"Don't you know na ako ang napapagalitan ni Dad dahil sa mga ginagawa mo?" Natinigan ko ang pagtaas ng kanyang boses. Muli akong napairap sa hangin at sumandig muli sa kinauupuan.
"Excuse me? Can you emphasize and specify what I've been doing wrong all this time? Parang wala kasi akong maalala eh." Sinadya ko talagang maging sarkastiko ang boses ko dahil sa pagkainis sa kanya. He's not even my real brother para ganituhin niya ako. The fact na I'm the elder here. Tsk! Well, sino ba naman ako?
"Tsk." Nadinig kong tanging naging tugon niya sa sinabi ko. Look? He has nothing to throw at me because never akong nagloko. Hindi tulad niya na mahilig makipagbasag-ulo. Walang alam na gawin kundi ang makipag-away sa kung sino-sino.
After that ay sa wakas ay naging payapa na sa pagitan namin. Wala naman kasi siyang masusumbat sa akin na ibang bagay kundi ang palagian kong pagiging late kapag sinusundo niya ako.