Jon Kleo Aldeguer
...
N I E L
"May problema ba tayo Niel?" Hindi ko siya masagot.
"Iniisip ko kung ano ba ang nagawa kong mali para iwasan mo ako." Nadinig ko ang pagbuntong-hininga niya dahilan para saglit ko siyang sulyapan.
"Are we good, right? Please answer me Niel." Nabaling ang tingin ko sa kamay ko nang hawakan niya ito. Hindi ko magawang umangal sa ginawa niya sa hindi ko malamang dahilan. Kahit papa'no ay nagustuhan ko ang paghawak niya sa kamay ko. It brought the old times him holding my hands.
"Miss na kita. Miss ko na 'yung dating ikaw. 'Yung palaging nakangiting ikaw. 'Yung palaging inaasar ako. 'Yung palaging pinagti-tripan ako."
Please come back to me, Niel."
Hindi ko alam kung ano ba dapat ang itugon ko sa kanya. Mas makabubuti ba kung aminin ko kung ano ang nakita ko noong nasa Tagaytay kami? 'Yun ba ang dapat kong isagot para tigilan niya na ako?
"Liam... Kasi..." Tila napipe ako at hindi maituloy ang sasabihin nang masilayan ko ang mata niya.
Napakagat ako sa aking labi. Tinitimbang kung ano nga dapat ang sabihing dahilan.
"Simula nang umuwi tayo galing Tagaytay, naging distant ka na sa'kin. I keep thinking what did I do to make you feel that way, but I don't know..."
Muling nanumbalik sa aking alaala ang mga senaryong nasaksihan ko nang gabing 'yun. Kung ano ang ginawa nilang dalawa. Kung gaano nadurog ang puso ko na masaksihan ang bagay na 'yun. Ang malaman na wala siyang pinagkaiba sa ibang lalaki na alam ko.
Umiwas ako sa titig niya. Pilit na kinukumbinsi ang sarili na huwag mahulog muli sa mga titig na ipinupukol niya sa akin.
"Niel?" Nabalik ako mula sa pagkakatulala.
Siguro, ito na ang tamang oras para tapusin ang relasyon na meron kami ni Liam. Kung ano man 'yun. Dahil kapag pinagpatuloy ko pa ito, baka ako lang ang masaktan sa bandang huli. Baka ako lang din ang umiyak bandang dulo.
Malalim akong napabunot ng hininga. Kumuha ng lakas ng loob na sabihin sa kanya ang totoong dahilan ng pag-iwas ko sa kanya.
"Liam, I saw you and Louis that night." Shocked was visible on his face when I uttered those words. Bahagya siyang napaatras dahil doon.
"What? A-anong nakita mo?" Gusto ko siyang ihumpog kay Louis dahil sa tanong niya. Pinagmumukha niya pa tuloy ako na parang wala siyang ideya sa sinasabi ko.
Mariin akong napapikit bago walang emosyon siyang tinitigan.
"Nakita ko kayo ni Louis. Sinundan ko kayo nang gabing 'yun. That's the reason why I remained distant from you."